The Haunted: Chapter 4-Start of Yesterday

Makapigil-hininga ako habang nakatayo sa harapan ng malaking bahay na tinuluyan ko noong nag-aaral pa ako. College house ang tawag naming magkakabahay noon.

“Inaasahan ba talaga nila ang pagdating ko?” natanong ko na lang sa aking sarili.

Hindi gaya noong 1994, marami nang sasakyang dumaraan sa harap ng college house. May isang taxing huminto saglit at inakalang pasakay ako. Umiling lamang ako at sinubukang tawagan ang numero ng katiwala.

Ring…ring… walang sagot.

Hinatak ko ang maleta ko palayo, desidido na akong mag-hotel na lang. Pero sa isang iglap ay naaalala ko ang sikretong doorbell na pinindot ko noong unang beses akong makarating sa college house. Bumalik ako, kinapa ang maliit na lagusan ng kamay sa gate at saka hinanap ang doorbell.

Ding…dong…nadinig ko ang mahinang tunog mula sa loob ng bahay. Bumukas ang front door at lumabas ang isang babaeng nasa bente-singko anyos. Humahangos na sumalubong sa akin habang hawak-hawak ang susi sa kanang kamay. Walang tingin-tingin sa aking pinagbuksan ako ng pinto.

“Good afternoon, ako si Leona. Ikaw ba si Dina?” nakangiti kong bati.

Malilikot ang mga mata ni Dina na tila di mapakali. Tumango lamang ito at isinara ulit ang gate. Hinatak ko ang maleta papasok sa bahay.

“Wala pa ring pagbabago ang bahay na ito, ah, ” nakaramdam ako ng kaunting pagkalungkot dahil alam kong hindi na mauulit ang masasayang ala-ala ko dito.

Hindi kumibo si Dina. Sa halip ay dumiretso sya sa kusina at may kung anong pinagkaabalahan. Pagbalik nya ay may dala siyang isang tasang tsokolateng inumin at mga suman. Nagulat ako ng kaunti dahil hindi ko inasahan ang pagmamalasakit niya kahit parang hindi ako welcome.

“Thank you, Dina. Mangan tayon?”

Nakitaan ko ng matipid na ngiti si Dina saka tumalikod at umakyat ng hagdan. Nagpahinga naman ako habang kinakain ang hinandang merienda. Hindi ako makapaniwalang naririto ulit ako. Ang antigong grandfather’s clock ay naroon pa rin sa gawing kanan ng bahay. Dinig na dinig ang bawat ikot ng kamay ng orasan dahil na rin sa napakatahimik na bahay. Naroon pa din ang mga etnikong disenyo na lalong nagpatingkad sa karakter ng sala. Papalapit na sana ako sa dako ng mga larawan nang may tumapik sa balikat ko.

“Iaakyat ko na po ang maleta,” ang mahinang sabi ni Dina habang nakatingin sa maleta.

“Sure, no problem. Mabigat nga lang yan ng konti. You know, one week akong nandito,” ang nakangiti kong sagot.

Hindi umimik si Dina. Sa halip ay buong lakas na binuhat ang maleta paakyat ng hagdan. Sumunod naman ako dahil hindi ko alam kung saang kwarto ako tutuloy.

Matibay pa rin ang mahogany na hagdan. Wala ang inaasahang langitngit habang tumatanda ang bahay. Nilampasan ni Dina ang mga kwarto sa ikalawang palapag. Tumibok ng bahagya ang puso ko nang makita kong sa attic siya papunta.

“Napakalaki naman ng bahay kung sa attic pa ako tutuloy. Saan ka nga pala natutulog?” pabiro kong tanong.

“Bakit, takot ba kayo sa multo?” balik-tanong ni Dina.

“Multo? Pati ba ikaw ay naniniwala sa ganun?”

“Sabagay po, mas katakutan daw dapat ang buhay kaysa sa patay,” ang diretsong sagot niya.

Natigilan ako sa sinabi niya. Ano ba ang alam niya sa buhay ko para isiping may dapat akong katakutan. Natawa ako sa sarili ko dahil masyado kong binibigyang-kahulugan ang sinasabi niya.

“Welcome to your old room, Manang,” ang sabi ni Dina habang hawak ang bukas na pinto ng kwarto.

Walang kibo-kibo ay pumasok ako at sinipat ang kwartong naging bahagi ng apat na taon kong buhay sa college house. Nagsisikip ang dibdib ko sa dami ng emosyong nararamdaman ko. Maayos na maayos pa din ang kalagayan ng kwarto. Kulang na lamang ay makita kong nakahilata si Jenny sa kabilang kama habang nagbabasa ng songhits at kumakanta.

“Teka nga pala… paano mo nalamang kwarto ko ito noon? Sinabi ba ni Tita Yumi?” tanong ko kay Dina.

“Nabanggit lang po ng Auntie Martha ko,” hindi makatingin sa akin si Dina.

“Auntie mo si Ms. Martha?”

Tumango si Dina.

“Kumusta na siya?”

“Mas maayos po kaysa nung na-stroke siya limang taon na ang nakalilipas.”

“I’m sorry to hear that. Kaya pala ikaw ang pumalit sa kanya.”

“Ah, isang taon pa lang ako dito,” lumabas si Dina at nagsimulang humakbang pababa.

Pagsara ko ng pinto ay napagtanto kong may mali sa kwento ni Dina. Ayon sa kaalaman ko ay itinigil ni Tita Yumi ang pagpapaupa ng bahay niya sa may estudyante noong makatapos ako ng kolehiyo nung 1998. Umalis si Ms. Linda noong 1995 dahil sa matinding hindi namin pagkakaunawaan. Pumalit si Ms. Martha mula 1995 hanggang 2012 ngunit 2016 lang naging caretaker si Dina.

Una, sino ang naging caretaker mula 2013 hanggang 2015 at pangalawa, papaanong nalaman ni Dina kung saan ang aking kwarto kung sa palagay ko ay hirap magsalita si Ms. Martha?

Pinagpalagay kong madalas pa din nila akong pag-usapan kahit matagal na panahon na akong wala sa South Drive. At sa mga pag-uusap nila na yun ay malamang kaysa hindi na puno ng pagkainis sa akin dahil sa mga away-batang nangyari dalawang dekada na ang nagdaan. Naisip kong kaya nagkakaganoon si Dina sa akin ay dahil na din sa mga usap-usapang hindi naging pabor sa akin. Sa halip na sitahin siya sa mga alanganin niyang mga sagot at kilos, huminga na lang ako ng malalim para mabawasan ang inis ko sa kanya.

The Haunted: Chapter 3- Baguio Again

February 5, 2017. Sunday, 7:00 AM

“Ma, sigurado ka bang kaya mong magbakasyong mag-isa?”ang nag-aalalang tanong ni Kate sa akin.

“Bakit naman parang naisip mong hindi ko kaya?”ang balik-tanong ko sa kanya habang sinasara ko ang zipper ng maleta ko.

“Well, hindi ka kasi nagbabakasyong mag-isa?”ang katwiran ni Kate.

Hindi na ako sumagot at iniba ang usapan. Ayokong magdalawang-isip sa biyahe ko dahil tama siya, hindi naman ako nagbabakasyong mag-isa. Palagi kaming magkakasama bilang pamilya. Lumabas ako nang kwartong hila-hila ang aking maleta. Nadatnan ko sa sala si Jim na nagkakape habang nagbabasa ng diaryo. Napatigil siya nang makita ako.

“O, talagang tuloy ka pala talaga?”bati niya.

“Mukha ba akong nagbibiro?”ang biro ko sa kanya.

May agam-agam sa mukha niya gaya nang kay Kate, alam kong kung sila ang masusunod ay hindi nila ako papayagang magbakasyong mag-isa kung hindi lamang at mapilit ako.

“Ano pa ba kasi ang kailangan mong balikan doon? Hindi pa ba maayos sa iyo ang lahat?”tanong ni Jim. Tumayo ito at bakas sa mukha ang pagkayamot.

“Hanggang ngayon ba ay hindi mo naiintindihan? O baka dahil may mga bagay akong nakikita na hindi ninyo nakikita?”ang inis kong sagot.

Saglit na natahimik si Jim at saka kinuha ang maleta ko para ilabas.

“Sige, hayaan mo na lang na ihatid kita sa bus terminal…Kate, sasama ka ba? Bilisan mo at ihahatid natin ang Mama mo,”tawag ni Jim kay Kate.

Humahangos na bumaba sa hagdan si Kate. Sa kotse papuntang Cubao, tahimik lang kaming tatlo na parang nakikiramdam sa bawat isa. Nang marating namin ang terminal ay tahimik na ibinaba ni Jim ang maleta. Walang gaanong pila sa tiket kung kaya’t hindi rin nagtagal at hinanda na ang bus.

“Ipinalagay ko na sa konduktor ang maleta mo. Tandaan mo ang bus number mo para kung bababa ka para kumain ay hindi ka magkamali,” ang paaalala ni Jim.

“O, sige, aakyat na ako sa bus,” sabi ko.

Lumingon ako sa bintana at naroon pa din si Jim na nakatayo at nakatingin sa akin. Ngumiti ako nang bahagya at nag-thumbs up sign. Sumenyas naman si Jim na parang nagtatanong kung nakainom ako ng gamot. Tumango lang ako.

Habang papalabas sa EDSA nang bus ay sinundan ito ni Jim nang tingin. Naroon ang konting pangungulila ko sa kanila ni Kate pero mas nananaig ang pagnanais kong balikan ang mga multo o demonyong bumabagabag sa akin labingwalong taon na ang nakalilipas.

“Asawa mo?” tanong ng katabi kong babae na nasa sisenta anyos na.

“Ho?” pagulat na sagot ko.

“Asawa mo ba yung naghatid sa yo? Yung gwapong nag-remind sa ‘yo na uminom ka ng gamot,” sagot niya.

“Ahh…opo, husband ko po,” maikli kong sagot. Nagkunwari akong inaantok at pumikit para hindi niya mausisa pa.

“Sabi ko na nga ba na nahihilo ka sa byahe. Dapat, hindi ka pinayagan ng asawa mo na umalis mag-isa,” may bahid ng pag-aalala ang boses niya.

“Okay lang po ako.”

“May orange peels ako dito.”

“I’m good po.”

“Bakit ka nga pala pupuntang mag-isa sa Baguio?”

“Panagbenga po. Gusto kong manood.”

“Ah, ako naman ay pupunta sa anak ko. Nakatira siya sa bandang Lourdes Grotto….ikaw? Saan ka tutuloy niyan?”

“Sa bahay po ng family friend namin.”

“Saan nga?”

“South Drive area po.”

“Mukhang mayayaman ang mga nakatira doon ah.”

“Sakto lang po.”

Hindi ko namalayan na sa pagkukunwaring inaantok ay talagang nakatulog na ako. Pagdilat ng mga mata ko ay binabagtas na namin ang Marcos Highway. Sa pagkakataong ito ay maaliwas ang paligid hindi gaya nung unang beses ko itong masilayan dalawampu’t tatlong taon na ang nakalilipas.

“Ang tagal mong nakatulog,”ang bati ng katabi ko. Inalok niya ako ng kinakain niyang chips na magalang kong tinanggihan.

“Hindi ka nga pala kumakain sa byahe. Nahihilo ka pa ba?” tanong niya ulit.

“Ayos naman ho ako,”ang sagot ko.

“Hindi ka ba sasamahan ng asawa mo sa pamamasyal sa Baguio? Mahirap yatang umalis na nag-iisa ka,”may himig ng tunay na pag-aalala sa tinig niya na nagpaalala sa akin sa aking ina kapag bumabyahe ako noon na pabalik sa Baguio.

“Busy po sya sa work,”matipid kong sagot.

“Saan ba sya nagtatrabaho?”

“Sa financial firm po sa Makati. Executive po sya kaya madalas siyang busy,”magkahalong pride at panlulumo ang naramdaman ko. Proud ako kay Jim dahil sa mga accomplishments niya sa buhay pero naroon ang panlulumo ko dahil ni hindi ko narating ang kalahati ng meron siya.

“Anyway, have fun, hija.”

“Leona po,”iniabot ko ang kamay ko upang magpakilala.

“Tita Cita,”ang nakangiti niyang sagot habang nakikipagkamay.

Nang masapit namin ang Victory Liner Terminal, nagpauna si Tita Cita na bumaba sa akin dahil may inaasahan siyang sundo at wala din naman siyang kukuhaning gamit sa luggage compartment ng bus. Pinababa ko muna lahat ng pasahero at saka ako pumila para kunin sa konduktor ang aking maleta. Hatak-hatak ko ang maleta at itinabi para pumara ng taxi. Tatlong taxi ang pinalampas ko dahil tinamaan ako ng malaking agam-agam kung tutuloy ba ako sa bahay na tinuluyan ko nung nag-aaral pa ako.

Nanlalamig ang mga kamay ko sa magkakahalong kaba, saya at itinatagong lungkot. Umihip ang malamig na hangin na sapat upang panghinayangan ko na wala akong nakahandang jacket para ikubli ang katawan sa ginaw. Naisip kong tumuloy na lamang sa hotel pero naisip ko ding nakakahiya ang gagawin ko dahil inaasahan na ni Tita Yumi na sa bahay niya ako tutuloy. Sa pag-iisip, hindi ko namalayan ang taxi na nakahinto sa harapan ko.

“Maám? Taxi?”

Binuksan ko ang pinto at sumakay habang ang driver naman ay inilagay sa baggage compartment ang aking maleta.

“Saan po tayo?” tanong niya.

“Hindi ko na maaalala ang house number kaya dahan-dahan ka lang—South Drive,”sabi ko.

Habang umaandar kami ay naglalayag din ang isip ko sa kung ano ang inaasahan kong datnan. Ngunit labing-walong taon ko ng dinadala ang mga bagay-bagay na dapat sana ay noon ko pa hinarap. Life begins at forty, di ba? Kaya’t nararapat lang na mas matatag na ako sa kung anumang haharapin sa mga susunod na araw.

The Haunted- Chapter 2: Devotion

February 4, 2017.

Nagising akong medyo masakit pa ang ulo gawa ng matinding hang-over. Nangantyaw ng libre ang mga kasamahan ko sa trabaho kahit alam nilang hindi ko gawain ang lumabas nang gabi maliban na lamang kung kasama ko si Kate at Jim.

“Sige na, minsan ka lang mag-forty years old. Saan mo ba kami ililibre?” tanong ni Judy, ang pinakamaingay sa office.

“Kaya nga ako nag-leave para makapagmuni-muni tapos ay lalabas ako?” sagot ko naman sa phone call.

“O, sige, kami na lang ang pupunta diyan. Nasa bahay ka lang naman di ba?” ang sabi ng di ko makilalang boses. Naka-speaker phone ang call nila.

“Uy, wag naman. Hindi pa ako nakakapag-ayos nang bahay,” katwiran ko.

“Basta, antayin mo kami diyan. Tama na sa amin ang kahit anong ulam. Pwede naman sigurong magdala ng San Mig ano?” ang makulit na sabi ni Judy.

Ibinaba nila ang telepono na nagtatawanan. Naiwan naman akong nag-iisip kung nagbibiro ba sila o seryoso. May tatlong oras pa naman bago mag-alas siete kaya ihinanda ko ang pinakamadaling putahe para naman hindi ako mapahiya sa kanila.

Dumating si Kate mula sa eskwela at nagulat pa na nasa kusina ako.

“Happy birthday, Ma. I’m sorry, hindi ako aware na may birthday dinner dito?”

“Well, this is not actually for us. Etong sila Judy ay pupunta daw dito dahil fortieth birthday ko daw. So, does it mean na kumain ka na?” tanong ko kay Kate na noon ay nanood sa pagluluto ko.

“Yes, Ma. The usual TGIF dinner namin nila Celine. Sabi mo kasi ay hindi ka naman maghahanda,” ang tila nalulungkot na sagot ni Kate.

“As I mentioned, hindi ko sila close sa office kaya nagulat din ako na pag-aaksayahan nila ako ng panahon.”

“Ten years ka na sa office pero hindi ka naging close sa kanila?” ang medyo naiilang na tanong ni Kate. Yung tingin nya sa akin habang nagtatanong ay kawangis ng tingin ni Jim kapag may hindi siya pinaniniwalaan sa sinasabi ko. Mag-ama nga sila dahil pareho sila ng mannerisms.

“Bakit, pwede naman yun, di ba? Hindi ko nga din inasahan na mabilis nila akong tatanggapin. Hinatid lang kita sa school tapos nakita ko ang tarpaulin nila sa labas ng office nila sa Quezon Avenue. I just tried kung papasa ako. That was it,” paliwanag ko.

“Ganun lang ba yun? For eight years na nasa bahay ka lang at hindi naman nagtrabaho, saka mo maiisipan na mag-apply kahit sabi mo nga na dahil kami ni Daddy ang priority mo,” balik na tanong ni Kate.

“Well, take it or leave it basta ‘yan ang nangyari ten years ago. Anyway, if you don’t mind, tumayo ka muna dyan at aayusin ko na ang table. I’m sure parating na sila Judy.”

Tumayo si Kate at dumiretso nang punta sa kwarto niya. Ilang buwan na lang din at malapit na din siyang maging ganap na dalaga. Napag-uusapan nilang mag-ama ang gusto niyang mangyari sa debut niya.Iniiwasan kong pag-usapan ang bagay na iyan dahil siguro naroon ang takot ko na maging ganap siyang dalaga at sumubok ng mga bago sa buhay.

Ding..dong…

Binuksan ko ang front door at pareho pa kami ni Jim na nagkagulatan. Nagulat ako na maaga siyang umuwi at tila nagulat naman siya dahil sa suot kong apron.

“Happy birthday. Nagluto ka?”

“Hmmm. Parating daw sila Judy. Bakit, kumain ka na rin ba?”

“Hindi pa. Ano’ng oras daw ba sila parating?”

“Teka at sila na yata ang bumubusina. Sasalubungin ko lang sa gate.”

Binuksan ko ang gate at sabay-sabay silang bumati sa akin. Naroon si Judy na tiyak na pasimuno, si Barbie na pinakabago sa amin, si Sol na panay ang dikit kay Jeron at si Jeron na nag-iisang lalaki sa department namin.

“Thank you, talagang sineryoso ninyo ah,” biro ko.

“Minsan lang to, mars. Saka naniniwala ako na life begins at forty,” ang sagot ni Judy.

Pinapasok ko sila at inalok na simulan na ang pagkain. Tinawag ko si Jim para makasabay na din. Napansin kong nag-aalangan pa siya kung kaya’t nakaupo na kaming lahat nang dumating siya.

“Ang gwapo pala ng husband ninyo, Ma’am Leona,” papuri ni Barbie. Namula si Jim sa narinig.

“Ay siyempre, maganda din naman si Leona, ano?” ang balik-puri naman ni Judy para sa akin.

“Naku, binola mo pa ako. Tignan mo nga ang hitsura ko ngayon. Walang kabuhay-buhay,” biro ko naman.

“Mars, dati ka nang walang kabuhay-buhay,” sagot ni Judy.

Nagtawanan lahat maliban kay Jim.

“Masarap itong niluto mo, Leona. Yung natirang sisig, baka pwede pa nating ipang-pulutan?” tanong ni Sol habang binubuksan ang isang mataas na bote ng Black Label.

“At talagang nagdala ka pa. Jeron, mag-ingat ka kay Sol. Ang sabi nga nila…” di ko na dinugtungan dahil nakatingin sa akin si Jim.

“Pag may alak, may balak,” sabi ni Judy. Nagtawanan ang lahat maliban sa amin ni Jim.

Hindi mahilig makihalubilo si Jim sa mga kasama ko sa opisina pero ngayon ay heto siya at nakatabi sa akin. Nahuhuli ko din si Barbie sa mga nakaw na sulyap niya kay Jim na binale-wala ko lang. May pagkakataong si Jim naman ang gumaganti nang nakaw na sulyap kay Barbie.

“Guys, it’s getting late. Mahirap din namang magpakalasing tayo dahil baka hindi makapag-drive ng maayos si Jeron,” ang paaalala ni Jim. Lihim akong natuwa na hindi na kailangang sa akin manggaling ang pagpapaalis sa grupo.

Tumulong lang si Sol at Judy sa paglilipit at saka nagpaalam na aalis na ang grupo. Pinilit kong magmukhang masaya sa pagbibigay nila ng oras sa akin. Nang makaalis na sila, naiwan kami ni Jim na tila nagkakailangang mag-usap. Dumiretso ako sa pagtulog pagkatapos maglinis ng katawan. At heto nga ang kumpletong detalye kung bakit ako nagising na masakit ang ulo ngayong Sabado.

Nakaupo na pala si Jim at kung gaano na siya katagal na gising ay wala akong alam. Pinagmamasdan niya ang pag-eempake ko ng mga damit. Nagulat pa ako nang magtama ang aming mga mata. Tama nga si Barbie, naroon pa din ang kakisigan niya sa kabila ng halos dalawampung-taon naming pagsasama. Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin at nakita ko ang anyo ng isang babaeng tila pagod na pagod na sa pakikidigma sa buhay. Hindi na kami bagay kung pisikal na aspeto ang pag-uusapan.

“Bakit inaayos mo ‘yan?” sa wakas ay tanong niya.

“Mamamasyal lang. Matagal na akong nakabuntot sa inyo ni Kate, di ba? All my adult life,” sagot ko na hindi tumitingin sa kanya.

“Andami naman yatang damit para sa pamamasyal lang?”

“Isang linggo siguro akong mawawala.”

“Paano ang work mo?”

“Do I even count?”

“Paano ang pag-aasikaso mo kay Kate?”

“Ni hindi nga siya nagdi-dinner dito lately.”

“May problema ba?”

“Wala. Sasabihin ko kung meron.”

“Kelan ka naman nagsabi sa akin?”

Hindi ako kumibo dahil maraming beses ko nang sinabi kung ano ang bumabagabag sa akin. Kung bakit napakalayo ng damdamin namin sa isa’t-isa. Kung ano’ng pagsasakripisyo ko para lang may buong pamilyang kasama si Kate.

“Sige, kung hindi kita mapipigilan, sabihin mo na lang kung saan ka pupunta at nang hindi kami nag-aalala,” nakatayo na si Jim at nasa likod ko na.

“Sa Baguio lang.”

Nanlaki ang mga mata ni Jim at parang hindi makapaniwala na doon ako pupunta. Ganun pa man ay wala siyang sinabing pagtutol o anuman. Napaupo siya at pinagdaop ang mga palad at saka napabuntung-hininga.

“Okay, kung saan ka masaya,” yun lamang at saka siya lumabas ng kwarto.

When in Baguio, Try Good Taste!

20171121_071935

When in Baguio, try the Good Taste Restaurant, located at the corner of Otek and Carino Street. For breakfast, I ordered mami (80 pesos) and Good Taste rice (100 pesos). Sulit naman dahil andami, pang-dalawahan sya. True to its name, good taste talaga ang pagkain nila.

From ordering to serving took around 10 minutes only.

Cleanliness,okay naman . Wala naman akong nakitang ipis o langaw.

Yung cushioned chairs ang kailangan ng improvement, worn out na kasi. Nag-monoblock na lang kami ng friend ko. Waitresses are nice kaso dahil very busy sila, panay lagi silang nagmamadali. I appreciate na malawak ang dining area dahil hindi nagkakabungguan ang customers.

Again, breakfast nang pumunta ako at nag-taxi lang kaya hindi nagging issue ang serving time at parking space sa akin. Will I go back to Good Taste when I’m in Baguio? Definitely yes! Overall rating: 4/5.

 

 

The Baguio That I Remember

“You’re joining the 2017 Strategic Planning! Congrats!”

This was an IM from an officemate/friend some three weeks ago. I forced myself to sound gay. I was not very excited about it. Not that going back to my second home is a bad idea but leaving behind two small children was a wrong timing. My husband assured me that everything would be fine and I should just focus on the work to do before the actual planning session. I was evidently stressed one week before the Baguio session. I wanted to tell my boss that, “Sorry talaga Sir…I cannot make it” but it looked like a bad idea and I would forever be tagged as unprofessional.

I packed my things two hours before I headed to the head office where the van (service) was stationed. It was so un-Iris because the usual me would have packed her things at least a day before the departure.

While we were on our way to Baguio, I remembered the following:

  1. I was a 16-year old naive student of Saint Louis University and the struggle to commute back to Bataan was lessened when a boardmate named Sonny, who was from Abucay, was “forced” to accompany me. I could feel then that he would have wanted to stay a little longer to be with his then girlfriend but his kababayan duty forced him to travel home with me at an unplanned time. Thank you, Sonny for bearing with the young me!
  2. I have motion sickness and I am prone to nausea when travelling. My father would always go with me to either Olongapo or Pampanga just to pick me a better bus seat. I remembered that while we were passing by the Dau exit last week. I could see the young me pretending to be tough but trembling deep inside. I survived 12 hours of travel from Bataan to Pampanga (sometimes Olongapo) to Baguio.
  3. We passed by TPLEX. I checked my watch. It took us only 1 hour to reach Tarlac from Quezon City! I was amazed at the modernization of our higways and the comfort they bring to travelers. Great job!
  4. The stop-over in Sison, Pangasinan had no major change. It’s still the same old stop-over that allowed me to reminisce more about my teenage years. But hey, I was amused to see statues right before the bridge leading to La Union. I should have taken some photos but our van was moving at 120 km/h. LOL.
  5. When we entered the Kennon Road vicinity, stronger emotions lorded over me. I felt like a 17-yr old girl in the company of a neighbor who was a vegetable dealer. There was one occasion when my parents asked them if they still have  a space for me at their service. Thank you, Almario family!  A lot of beautiful memories with two of my exes happened in Kennon Road. When you are young and in love, the mountains look magical. The waterfalls look enchanting and the rivers, never-ending. Fast-forward to present time, I was in the company of intelligent and driven professionals. I was holding back my emotions and what I could have revealed. How would they understand? Our emotions are our own and what is euphoric for me might just be a simple experience for them.
  6. The big boss’ houses (it’s in a compound) are spacious, cozy and clean. I would have wanted the same accommodation if I were still a student. During my first year, I stayed in a dormitory with a room that is 1/3 less than the room where we stayed for the Baguio planning session. Staying in the big boss’ house was a contrast to the simple abode that I had as a student. Then one thing that has improved today is the way I deal with roomies. I used to have a short patience on a noisy or lazy housemate but now I become tolerant of a roommate’s routine.
  7. I expected a cold November the way my thumb was frozen at the middle of a Political Science class how many Novembers ago. The instructor then was Atty. Rolly Dela Cruz, a father figure to me not just because we had the same last name but because he was the one who reprimanded a group of (male) batchmates who tried to trespass to his class just to talk to me. (Pagbigyan nyo na, konti lang dati ang female sa engineering! Hahaha!)
  8. We passed by Burnham Park, Maharlika, Magsaysay Road and a portion of Session Road. More emotions poured over me. Burnham Park was a witness to my first, second and third love and how each visit metamorphosed me into an improved person. With my first love, it was magical and surreal. With my second love, it was love-hate and very passionate. With my third love (husband), it is as calm as a lake and as balanced as a fulcrum. My husband is my equinox, my yin to my yang and my yang to my yin. I imagine the day when all three of them would be together, talking about me and each one of them would have a different description of what I was as a lover. It would all depend on the time and period I was with them but I hope that beyond all the changes the years brought upon me, they would recognize that I am a person who is very selfless when it comes to love and loving.
  9. Surprisingly, the traffic in Baguio is just the same as the one in Quezon City! I notice, too, that there are more houses than trees on a mountain. Good thing, the big boss’ compound is still filled with pine trees and plants that brings back the beauty and charm of the old Baguio.