The Haunted- Chapter 2: Devotion

February 4, 2017.

Nagising akong medyo masakit pa ang ulo gawa ng matinding hang-over. Nangantyaw ng libre ang mga kasamahan ko sa trabaho kahit alam nilang hindi ko gawain ang lumabas nang gabi maliban na lamang kung kasama ko si Kate at Jim.

“Sige na, minsan ka lang mag-forty years old. Saan mo ba kami ililibre?” tanong ni Judy, ang pinakamaingay sa office.

“Kaya nga ako nag-leave para makapagmuni-muni tapos ay lalabas ako?” sagot ko naman sa phone call.

“O, sige, kami na lang ang pupunta diyan. Nasa bahay ka lang naman di ba?” ang sabi ng di ko makilalang boses. Naka-speaker phone ang call nila.

“Uy, wag naman. Hindi pa ako nakakapag-ayos nang bahay,” katwiran ko.

“Basta, antayin mo kami diyan. Tama na sa amin ang kahit anong ulam. Pwede naman sigurong magdala ng San Mig ano?” ang makulit na sabi ni Judy.

Ibinaba nila ang telepono na nagtatawanan. Naiwan naman akong nag-iisip kung nagbibiro ba sila o seryoso. May tatlong oras pa naman bago mag-alas siete kaya ihinanda ko ang pinakamadaling putahe para naman hindi ako mapahiya sa kanila.

Dumating si Kate mula sa eskwela at nagulat pa na nasa kusina ako.

“Happy birthday, Ma. I’m sorry, hindi ako aware na may birthday dinner dito?”

“Well, this is not actually for us. Etong sila Judy ay pupunta daw dito dahil fortieth birthday ko daw. So, does it mean na kumain ka na?” tanong ko kay Kate na noon ay nanood sa pagluluto ko.

“Yes, Ma. The usual TGIF dinner namin nila Celine. Sabi mo kasi ay hindi ka naman maghahanda,” ang tila nalulungkot na sagot ni Kate.

“As I mentioned, hindi ko sila close sa office kaya nagulat din ako na pag-aaksayahan nila ako ng panahon.”

“Ten years ka na sa office pero hindi ka naging close sa kanila?” ang medyo naiilang na tanong ni Kate. Yung tingin nya sa akin habang nagtatanong ay kawangis ng tingin ni Jim kapag may hindi siya pinaniniwalaan sa sinasabi ko. Mag-ama nga sila dahil pareho sila ng mannerisms.

“Bakit, pwede naman yun, di ba? Hindi ko nga din inasahan na mabilis nila akong tatanggapin. Hinatid lang kita sa school tapos nakita ko ang tarpaulin nila sa labas ng office nila sa Quezon Avenue. I just tried kung papasa ako. That was it,” paliwanag ko.

“Ganun lang ba yun? For eight years na nasa bahay ka lang at hindi naman nagtrabaho, saka mo maiisipan na mag-apply kahit sabi mo nga na dahil kami ni Daddy ang priority mo,” balik na tanong ni Kate.

“Well, take it or leave it basta ‘yan ang nangyari ten years ago. Anyway, if you don’t mind, tumayo ka muna dyan at aayusin ko na ang table. I’m sure parating na sila Judy.”

Tumayo si Kate at dumiretso nang punta sa kwarto niya. Ilang buwan na lang din at malapit na din siyang maging ganap na dalaga. Napag-uusapan nilang mag-ama ang gusto niyang mangyari sa debut niya.Iniiwasan kong pag-usapan ang bagay na iyan dahil siguro naroon ang takot ko na maging ganap siyang dalaga at sumubok ng mga bago sa buhay.

Ding..dong…

Binuksan ko ang front door at pareho pa kami ni Jim na nagkagulatan. Nagulat ako na maaga siyang umuwi at tila nagulat naman siya dahil sa suot kong apron.

“Happy birthday. Nagluto ka?”

“Hmmm. Parating daw sila Judy. Bakit, kumain ka na rin ba?”

“Hindi pa. Ano’ng oras daw ba sila parating?”

“Teka at sila na yata ang bumubusina. Sasalubungin ko lang sa gate.”

Binuksan ko ang gate at sabay-sabay silang bumati sa akin. Naroon si Judy na tiyak na pasimuno, si Barbie na pinakabago sa amin, si Sol na panay ang dikit kay Jeron at si Jeron na nag-iisang lalaki sa department namin.

“Thank you, talagang sineryoso ninyo ah,” biro ko.

“Minsan lang to, mars. Saka naniniwala ako na life begins at forty,” ang sagot ni Judy.

Pinapasok ko sila at inalok na simulan na ang pagkain. Tinawag ko si Jim para makasabay na din. Napansin kong nag-aalangan pa siya kung kaya’t nakaupo na kaming lahat nang dumating siya.

“Ang gwapo pala ng husband ninyo, Ma’am Leona,” papuri ni Barbie. Namula si Jim sa narinig.

“Ay siyempre, maganda din naman si Leona, ano?” ang balik-puri naman ni Judy para sa akin.

“Naku, binola mo pa ako. Tignan mo nga ang hitsura ko ngayon. Walang kabuhay-buhay,” biro ko naman.

“Mars, dati ka nang walang kabuhay-buhay,” sagot ni Judy.

Nagtawanan lahat maliban kay Jim.

“Masarap itong niluto mo, Leona. Yung natirang sisig, baka pwede pa nating ipang-pulutan?” tanong ni Sol habang binubuksan ang isang mataas na bote ng Black Label.

“At talagang nagdala ka pa. Jeron, mag-ingat ka kay Sol. Ang sabi nga nila…” di ko na dinugtungan dahil nakatingin sa akin si Jim.

“Pag may alak, may balak,” sabi ni Judy. Nagtawanan ang lahat maliban sa amin ni Jim.

Hindi mahilig makihalubilo si Jim sa mga kasama ko sa opisina pero ngayon ay heto siya at nakatabi sa akin. Nahuhuli ko din si Barbie sa mga nakaw na sulyap niya kay Jim na binale-wala ko lang. May pagkakataong si Jim naman ang gumaganti nang nakaw na sulyap kay Barbie.

“Guys, it’s getting late. Mahirap din namang magpakalasing tayo dahil baka hindi makapag-drive ng maayos si Jeron,” ang paaalala ni Jim. Lihim akong natuwa na hindi na kailangang sa akin manggaling ang pagpapaalis sa grupo.

Tumulong lang si Sol at Judy sa paglilipit at saka nagpaalam na aalis na ang grupo. Pinilit kong magmukhang masaya sa pagbibigay nila ng oras sa akin. Nang makaalis na sila, naiwan kami ni Jim na tila nagkakailangang mag-usap. Dumiretso ako sa pagtulog pagkatapos maglinis ng katawan. At heto nga ang kumpletong detalye kung bakit ako nagising na masakit ang ulo ngayong Sabado.

Nakaupo na pala si Jim at kung gaano na siya katagal na gising ay wala akong alam. Pinagmamasdan niya ang pag-eempake ko ng mga damit. Nagulat pa ako nang magtama ang aming mga mata. Tama nga si Barbie, naroon pa din ang kakisigan niya sa kabila ng halos dalawampung-taon naming pagsasama. Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin at nakita ko ang anyo ng isang babaeng tila pagod na pagod na sa pakikidigma sa buhay. Hindi na kami bagay kung pisikal na aspeto ang pag-uusapan.

“Bakit inaayos mo ‘yan?” sa wakas ay tanong niya.

“Mamamasyal lang. Matagal na akong nakabuntot sa inyo ni Kate, di ba? All my adult life,” sagot ko na hindi tumitingin sa kanya.

“Andami naman yatang damit para sa pamamasyal lang?”

“Isang linggo siguro akong mawawala.”

“Paano ang work mo?”

“Do I even count?”

“Paano ang pag-aasikaso mo kay Kate?”

“Ni hindi nga siya nagdi-dinner dito lately.”

“May problema ba?”

“Wala. Sasabihin ko kung meron.”

“Kelan ka naman nagsabi sa akin?”

Hindi ako kumibo dahil maraming beses ko nang sinabi kung ano ang bumabagabag sa akin. Kung bakit napakalayo ng damdamin namin sa isa’t-isa. Kung ano’ng pagsasakripisyo ko para lang may buong pamilyang kasama si Kate.

“Sige, kung hindi kita mapipigilan, sabihin mo na lang kung saan ka pupunta at nang hindi kami nag-aalala,” nakatayo na si Jim at nasa likod ko na.

“Sa Baguio lang.”

Nanlaki ang mga mata ni Jim at parang hindi makapaniwala na doon ako pupunta. Ganun pa man ay wala siyang sinabing pagtutol o anuman. Napaupo siya at pinagdaop ang mga palad at saka napabuntung-hininga.

“Okay, kung saan ka masaya,” yun lamang at saka siya lumabas ng kwarto.

The Haunted- Chapter 1: Life Begins at 40

February 3, 2017.

Nagising ako sa liwanag ng araw na tumama mula sa bintana ng aming silid. Umupo muna ako habang sinusubukang isipin kung anong araw ba ngayon. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa maliit na side table.

“Tama naman. Talagang hindi ako nag-set ng alarm. Tama, Byernes ngayon,” ang sabi ko sa sarili.

Maya-maya pa ay tumunog ang notification ng email ko. Binuksan ko at binasa.

“Happy birthday, Leona!” bati ng Jobstreet sa akin.

Napangiti ako dahil Jobstreet na lang ang nakakaalala ng aking kaarawan. Ipinagkibit-balikat ko na lang ang namumuong ala-ala noong mga panahong simple pa ang buhay. Noong mga panahong iisa ang sinasabi ng aking mga propesor na isa ako sa inaasahan nilang magiging matagumpay sa buhay. Ah, hindi talaga natin masasabi ang panahon. Habang nagkakaedad tayo, doon natin maiisip na wala naman talagang nabubuhay sa charmed life. Kathang-isip lang ang ideya na posibleng nasa isang tao ang lahat na pwedeng makapagpaligaya sa kanya. Habang bata tayo, wala naman tayong inaalala kundi ang kumain at matulog lang. Gaya ko, nanggaling ako sa isang upper middle-class family sa Pampanga. Pinakamumutya daw akong anak dahil wala naman akong mga kapatid. Walang choice ang mga magulang ko kundi pakamahalin ako. Kung bakit ang bata, habang minamahal mo ng todo ay siya namang may gustong patunayan na kaya niya ang mag-isa. Ito siguro ang isang dahilan kung bakit mas pinili kong mag-aral sa Baguio kaysa sa Maynila.

“Make sure that you packed your jackets and cardigans,” habilin ng nanay ko habang binubuksan ko ang pinto ng kotse. Ito ang araw kung kailan nila ako ihahatid sa Baguio para magkolehiyo.

“Bilisan nyo. Ayokong gabihin sa daan,” ang naiinip namang sabi ng aking ama.

“Siguro naman ay mabilis kang makakapag-adjust doon? Pero tiyak sa una ay mahihirapan ka dahil ikaw lahat ang gagawa ng mga bagay na inaasa mo lang sa amin dati,”panunukso ng aking ina.

“Saka nga pala, ilang beses kong ipapaalala na bawal muna ang boyfriend, ha?”karugtong na habilin naman ng aking ama.

Namula ako pero hindi ko alam kung napansin nila. Kung gugustuhin ko lang magkaroon ng boyfriend, matagal na sanang nangyari. Pero nakapako ang isip ko sa ideal man ko—matangkad, gwapo, matalino at mabait. Siguro naman, lahat halos ng tao ay pinagdaanan yan. At kung hanggang ngayon ay wala man lang akong puppy love, ibig sabihin lang ay walang pumasa sa pamantayang gusto ko.

Naputol ang pagmumuni-muni ko at hindi ko namalayang nasa Sison, Pangasinan na kami. Ibinababa ko ang bintana ng kotse para man lang pumasok ang sariwang hangin. Agad ko rin namang isinara nang pumarada kami sa stop-over para hindi pumasok ang usok ng mga kasabay na bus. Saglit kaming kumain at habang papabalik na kami sa kotse ay may grupo ng mga kaedaran ko ang nagkakatuwaan.

“Hi Miss. Pwedeng magpakilala?” biro ng isa. Hindi ko sila pinansin, bagay na higit na nagpatindi ng kanilang kantyawan.

“Ang sungit mo naman, Miss,” biro ng aking ina sa akin.

“Ah, malapit-lapit na tayo. Siguro naman ay hindi umuulan doon. Mahirap mag-drive ng may fog,” sambit ng aking ama.

Nagkatotoo ang nasa isip ng aking ama dahil dinatnan namin ang makapal na hamog sa kalagitnaan ng Marcos Highway. Maingat na minaniobra ni Papa ang sasakyan at alisto sa mga nakakasalubong dahil maaaring pagmulan ng aksidente ang ganito kakapal na hamog. Binuksan ko ang bintana ng kotse para damhin ito. Napagalitan ako ni Mama at ipinababa ang bintana sa pag-aalalang baka ako sipunin.

Malaking kapanatagan kay Mama na nalampasan namin ang makapal na hamog na ligtas. Makalipas ang dalawampung minuto ay nasa harapan na kami ng isang malaking bahay na may malawak na hardin. Bumusina si Papa nang tatlong beses. Walang taong lumabas. Bumaba ako sa kotse at sumilip sa puting gate. Napansin ko ang doorbell na bahagyang natatakpan ng dahon ng yellowbell. Pinindot ko. Maya-maya ay may humahangos na lumabas mula sa pinto, ang caretaker. Nagmamadali niyang binuksan ang gate at mabilis ding isinara pagkapasok ng kotse.

“Pasensya na kayo, Ma’am, Sir. Nalibang ako sa pag-aayos, hindi ko yata narinig na kanina pa kayo narito,” ang sabi ng caretaker.

“Wala ‘yon. Kararating-rating lang din namin. Ikaw yata si Linda? Nabanggit ni Yumi ang pangalan mo,” ang sagot naman ni Mama.

“Ako nga po, Ma’am. Naku, ito ba si Leona? Napakaganda palang bata. Wag kayong mag-alala, Ma’am. Bantay-sarado siya sa akin,” napakindat pa si Ate Linda sa aking ina.

“O, Linda. Kapag naka-graduate si Leona na walang kabulastugan, may limang libo ka sa akin,” birong may halong katotohanang sabi ni Papa.

Napangiti si Ate Linda sabay kuha ng mga maleta. Binuksan niya ang malaking pinto at tumambad sa amin ang malawak na loob ng bahay. Sa gawing kanan ang living room o sala na may kurtinang tila gawa sa dikit-dikit na yantok na maninipis. Nakahawi naman ang makapal na telang kurtina na sa palagay ko ay isinasara pagsapit ng gabi. Malalaki ang mga upuan na gawa marahil sa pine wood. Kapansin-pansin din ang mga etnikong disenyo na naka-display. Sa gawing kaliwa naman ng bahay ay bahagyang tanaw ang kusina. May mababang partisyong naghihiwalay sa pagitan ng dining room at living room. Mula sa front door ay makikita din ang mataas na hagdan papunta sa mga kuwarto.

“Gusto mo bang makita ang kuwarto mo?” pansin ni Ate Linda sa akin.

Tumango lang ako. Inakyat namin ang mataas na hagdan, ingat na ingat akong makagawa ng ingay. Sa ikalawang palapag ay may tatlong pinto akong nakita. Nilakad namin ang dulong bahagi.

“Eto ang CR sa 2nd floor. May heater yan kaya hindi ka mahihirapang maligo. May CR din sa baba kaya kung nagmamadali kayo, hindi ka mahihirapan sa banyo,” nakangiting sabi ni Ate Linda.

“Kami po?” tanong ko.

“Hindi ba nasabi sa ‘yo ng Mama mo? Lima kayong aalagaan ko dito,” may pagtatakang sagot niya. Lalong namilog ang mabibilog niyang mga mata.

“Ah, hindi po namin napag-usapan. Pero wala pong kaso sa akin kung may kasama ako sa bahay. Yung sa ano lang po…”

“Kuwarto?”

Tumango ako. Hindi ako sinagot ni Ate Linda. Nagpatuloy kami sa house tour.

“Eto ang master’s bedroom. Hindi ko talaga binubuksan iyan hangga’t walang pahintulot si Ma’am Yumi.”

“Okay lang po.”

Kumalansing ang bungkos ng susi na hawak ni Ate Linda. Pinili niya ang susi na may gintong kulay at binuksan ang isang kwarto.

“Pasok ka, tignan mo. Malaki itong kwarto na ito,” sumenyas pa si Ate Linda sa akin.

Malaki nga ang kwartong binuksan niya. May tatlo itong kama na animo ay magkakalayong letrang “U.” Ang dulong kama ay nakadikit sa dingding gaya ng pangatlong kama. Ang nasa gitnang kama naman ay nakadikit sa pader na may bintana. Sa laki ng kwarto, maaari pa itong hatiin sa tatlong maliliit na kwarto. Sa dulo ng kwarto sa bandang kanan ay may isa pang bintana ngunit mas malaki. Pumihit ako ng direksyon at binuksan ang bintana. Sinalubong ako ng manipis na hamog mula sa labas.

“Ah, bihirang buksan ang bintana na iyan. Kitang-kita kasi diyan ang mga tao sa kapitbahay,” paalala ni Ate Linda.

Kitang-kita? Bakanteng lote ang nakikita ko na puro pine tree at ligaw na bulaklak. Iginawi ko ang mga mata ko sa malayo-layo at doon ko naunawaan ang sinasabi ni Ate Linda. Tanaw na tanaw sa bintana ang hardin ng pinakamalapit na kapitbahay. Umaasa akong makakita ng tao ngunit wala akong natanaw kung kaya’t isinara ko na lang din ang bintana.

“O, mukhang hindi ka masaya sa kwarto mo?”

Napangiti ako at piniling huwag magsalita.

“Baka itong kwarto sa itaas ang mas magustuhan mo.”

Tinunton namin ang hagdan papunta sa attic. Makipot ang hagdan ngunit sapat upang makapag-akyat ng mga gamit. Kung titignan ay mas mukhang mezzanine or loft ang attic. Sa dulo ng hagdan sa taas, binuksan ni Ate Linda ang kahoy na sliding door.

“Hindi ko ito isinasara kapag may tao sa attic. Para nadidinig ko kung may ipag-uutos ba sa akin.”

Binuksan ni Ate Linda ang kwarto. Nanlumo ako dahil mas maliit ang kwartong nasa attic kaysa sa pinakita niya kanina. Napansin niya yata na hindi ko nagustuhan.

“Ang maganda dito ay dalawa lang kayo. Mamili ka na lang kung alin sa dalawang kama ang gusto mong sa iyo. Kung ako sa iyo, doon ako sa kamang malapit sa bintana.”

“Bakit po dalawa ang pinto ng kwarto?” itinuro ko ang isang pinto sa kwarto.

Napangiti ng malaki si Ate Linda.

“Ang kagandahan ng kwarto sa attic ay may malawak kang study room. Sa tabi ng study room ay may storage area ng mga abubot ni Ma’am. Tapos, sa dulo nito ay may CR din. Ang problema nga lang ay wala pang heater ang CR dito.”

Parang dumaloy ng mabilis ang dugo ko! Nagustuhan ko ang attic.

“O, siya, feel at home. Magluluto pa nga pala ako ng hapunan natin,” tinapik ako ni Ate Linda sa balikat bago bumaba.

Umupo ako sa bilog na coffee table na nasa gitna ng study room. Malalaki ang mga bintanang salamin sa study room kung kaya’t tanaw na tanaw ko ang labas. Mangilan-ngilan ang dumaraang sasakyan dahil na rin siguro sa papakapal na hamog na nagbabadya ng pag-ulan. Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ako dahil sa tingin ko ay may nakatayong tao sa harap ng gate. Parang nakatingin din ito pabalik sa akin.

“Kakain na, tara at bumaba ka na,” pinutol ni Ate Linda ang pag-uusyoso ko. Paglingon ko ay wala na ang taong nakatingin sa akin.

Pinutol ang pagbabalik-tanaw ko sa aking nakaraan ng sunud-sunod na pagbati mula sa mga kaibigan.

“Life begins at forty, happy birthday!” ang tila iisa nilang pagbati.

Forty years? Ganoon na ba ako katanda? Kalahati na pala ng buhay ko ang nagdaan. Ganun katagal na din akong duwag harapin ang mga pangyayari sa aking buhay.

The Original BFF

As June is approaching, I can’t help but think about an old friend whose birthday falls in the first week. I’ve known JH since college. He was part of the small group of friends of my then-boyfriend. Once in a while, we hung out as a small group by playing billiards. Both of us were not that enthusiastic about the game so we ended up having chit-chats instead.

In our higher years, he became my classmate in Computer Programming (don’t ask about the programming language, it is ancient). Whenever the instructor was not yet in, I would explore the computer and chat with somebody who was probably a student from another computer class. JH would warn me not to do it as I could be reported and sent to the Student’s Affairs Office for idling. There were times when I wanted to tell him what was bothering me in my personal life, but I preferred to keep my privacy and silence. During those times, he would ask me why I was gloomy.

“Did you fail an exam?”
“No.”

“Are you sick?”
“I’m okay.”

“Are you and him okay?”
Silence.

Looking back, I kept my silence because he was the only person who got along fine with both me and my then-boyfriend. I could not risk losing a friend like him over my problems.

Weeks before my graduation, he asked me about my plans. I told him that I would probably join the company I applied for two months earlier. He gave a piece of unsolicited advice that working in Baguio would benefit my personal life more. I did not give him a rebuttal. Instead, I asked him to go to my apartment a day before my graduation.

Two of us in the apartment would graduate, Jun and I. Jun mentioned that his mother would throw a dinner party on the night of the graduation. I told him that there was nothing to worry about since my mother and aunt would just be cooking pancit the afternoon before the graduation day.

Most of my friends were graduating, it was only JH who was available among my very few college friends. He came at the exact time that I mentioned, surprised to see that there were only two of them as my university visitors. He left at around dinner time, it was the longest time that we hung out throughout our friendship. It seemed that it was a hunch that that would be the last time we would see each other in flesh and blood.

I started with my first job soon after I graduated. We exchanged text messages about my new life. When the time came that I wanted to end my college relationship, we discussed it for almost one hour. He was trying to let me reconsider my decision. He did this for five months until he finally gave up. (As they say, the more you tell a person about something that she must do, the more she rebels about it). He continued to be good friends with my ex and I anyway.

Years passed and we became busy with our personal affairs. I never failed to greet him on his birthday but whenever I did, I would receive a lukewarm reply from him. I received a text message from him one day, asking me if we could see each other in the weekend. He would come over to his ex-girlfriend’s place and he was trying to optimize his stay. The meeting did not push through because I was not available.

We stopped communicating when I lost my phone. There were other ways to reconnect with him but I was busy with my personal life to even bother. Occassionally, I would ask former classmates and acquiantances if they knew any updates about him but nobody seemed to know. He just disappeared from all of us without a trace. His digital footprints were so limited so I assumed that he just wanted his past to belong to the past no matter how good or bad it treated him.

I lost some good friendships along the way. Some were my fault, some were not. I always believe that good friendship has a chance for reconnection wherever and whenever.

Baguio Memories

I cramped myself into the empty cabinet out of desperation. It was my second night in Baguio without my family. My parents wanted me to be there two weeks before the opening of classes. They thought that this technique would help me adapt faster. Yes, I was not used to being away from my family. I had separation anxiety as a child and that did not improve even when I was 16 years old at that time.

I heard Andres knocking on my bedroom door. Andres was a high school student and a fellow boarder. He was probably worried because the last time that they saw me was lunchtime. The sound of his footsteps became faint. Then I heard him talking with Ate Miling, the caretaker.

He said that I was not in the room. Ate Miling could not believe because she did not see me leave the house. I got out of the cabinet and quickly went to my bed to pretend that I was sleeping. I heard a set of footsteps coming.

“Iris? Iris? Are you there? Can I open the door?” Ate Miling said.

She opened the door and found me “sleeping.” She reprimanded Andres for being careless. Andres answered back that he never saw me sleeping and the room was empty when he opened the door. They left the room and there I was, alone again and crying. I turned to my right side to face the large window. I saw a woman running, she resembled my mother! I cried again because I missed home so much.

The following day, Ate Cynthia, our landlady, asked me if I was okay. I just nodded my head. She must be not used to teenagers who had little words to say.
“Do you really speak a little?” she asked.
I nodded again.

“Anyway, there seems to be nothing that we can talk about. Would you like to tour the city with Johanne and Jake?” she asked with concern.
I nodded.

After dinner, Johanne, her son and Jake, a fellow boarder, asked me to get ready. I asked them if we could bring Andres with us. We passed by South Drive and Johanne asked me if I was familiar with Hyatt Hotel.

“I think I saw a white lady,” Jake said.
“Where?” Johanne asked.
I looked out of the window and tried to see what Jake was pointing to.
“Ah, the ghost of the 1990 earthquake casualties?” Andres asked.

We went inside Camp John Hay. Johanne was driving slowly so I was able to see the beauty of the landscape. Soon, fogs were covering the green grasses. It looked magical!

“You know, ghosts love foggy nights,” Jake said in a serious tone.

I did not reply.

“Let’s go to the cemetery, maybe we can see ghosts,” Johanne said.

Johanne parked the vehicle and all three of them got out of it to breathe the fresh and cold air. I stayed inside the vehicle out of fear. I hated cemeteries.
“Are you scared? It’s just a cemetery,” Johanne asked.
“I think I’m already sleepy,” I replied.
“What? It’s only 8:00 PM,” Jake said in jest.

It took me another two weeks to know that the cemetery in Camp John Hay was just Cemetery of Negativism, a tourist attraction. Belated thanks to Ate Cynthia, Johanne, Jake, Ate Miling and Andres for taking care of me while I was homesick and desperate.