Ang Nagbabagong Panahon

List of issues that we have accepted through time:

  1. Building a hedge on our relationship- noong araw, kapag bantay-sarado ka sa boyfriend or asawa mo, ang tawag sa iyo “walang-tiwala.” Pero ngayon, pino-promote na to ngayon para daw maiwasan ang tukso.
  2. Okay lang magalit/mainis/sumpungin- noong bata ako, kapag nagalit ako, andyan na yung amba ng palo o pagsasabihan ka na “masama ang magalit” o ipaparamdam sa iyo na napakasama mong tao dahil throwing tantrums ka. Na sa palagay ko kaya ang ibang tao ay passive-aggresive ay dahil sa pagpapalaki din ng magulang. Ngayon, sa mommy group na kasama ako at kapag may nagra-rant, “valid ang feelings mo, okay lang magalit” ang mababasa ko na ibig sabihin ay somebody is acknowledging your bad day.
  3. Growing up in the 80’s, bawal akong mag-rant. Bawal mag-complain. Sumunod muna bago magsalita. Bawal magsabi ng unhappiness dahil nakakawala daw ng grasya. Ngayon, nawiwindang ako dahil yung ibang tao, kada kibot, post ng rant. Kada di magustuhan, social media.
  4. Related to sa number 3- noong araw, you treat your issues privately. Naghiwalay kayong mag-asawa? Kokonti ang nakakaalam. Nagkagalit kayong magkapatid? It’s between the two of you lang. Pero ngayon, pati inis mo sa kapitbahay mo ay pwede mo ng i-social media at supportive pa ang nasa friends’ list mo. Hehe.
  5. Okay lang noon na nasa bahay ang babae habang ang lalaki ay nagtatrabaho para sa pamilya. Pansin ko, baka kaya defensive ang ibang stay-at-home-mom and they are trying to justify their choice ay dahil sa mga mapanghusgang tao na nagtatanong bakit sila hindi nagtratrabaho. Ano namang paki natin sa kanila, di ba? Unless pinapakain natin sila.
  6. Baligtarin natin, noong araw, nakakahiya kapag ang babae ang kumikita habang ang lalaki ay nasa bahay at nag-aalaga ng mga bata. Nasa agreement yan ng mag-asawa basta hindi natatapakan ang ego ng lalaki. Madaming successful marriages ngayon na ang lalaki ang nasa bahay habang si misis ang naghahanap-buhay.
  7. Nakakahiyang maging mahirap noong araw. Kaya nga ang mga artista ang ginagamit na pakulo ay “convent-bred, schooled in an all-girls exclusive school, anak ni ganito at ganoon.” Pero bandang late 90’s hanggang ngayon na nauso ang mga contest kung saan naghahanap ng sympathy vote ang mga contestant, nagbago ang tingin natin sa mahihirap. Na ang mahihirap ay okay lang maging mahirap basta nagsisikap.
  8. Sexy lang ang may karapatang mag-swimsuit noon. Kaya nga iilan lang ang big sizes na swimsuit noon. Ngayon, swimsuits come in all shapes and sizes.
  9. Pag kumain ka ng tanim mo o ng itlog mula sa alaga mong manok, napaka-jologs mo ng tao. Pero ngayon, organic naman ang pino-promote dahil mas healthy.
  10. Kokonti ang private vehicles noong araw. Kapag may kotse ka, big time ka na. Ngayon, salamat sa influx of second hand vehicles. Salamat sa affordable car loans. Salamat sa affordable cars like compact cars na mas mura kesa sa ibang modelo. Kaya ngayon, kahit middle-class ay meron ng sasakyan (wala nga lang mapagparkingan).