Ang Selfie!

Suportado ko ang mahihilig mag-selfie. Hindi ako mahilig sa selfie; o hindi sa level na parang sa iba pero suportado ko sya. Hindi naman lahat ng nagse-selfie ay GGSS (gandang-ganda sa sarili). Hindi naman lahat ng nase-selfie ay selfish. Isa din ako sa mga taong mahilig mag-like sa mga selfie photos. Wag mag-assume ang iba pero hindi dahil gandang-ganda ako o gwapong-gwapo sa inyo; the act of taking a selfie picture and then posting it on your wall is the reason for my “like.”

Madalas kong sabihin na “Ambilis ng panahon.”

“Time flies.”

“Where did the time go?”

Hindi yan para magpaka-deep lang ako. Talagang nawiwindang ako minsan sa bilis ng panahon. At dahil ako ang taong may pinakakonting collection ng sarili kong larawan, nanghihinayang ako dahil hindi ko na-capture ang precious moments ko dati. Kaya bagama’t hindi ako ma-selfie na tao, sinisikap kong kumuha ng mga litrato ko ngayon sa bawat okasyong meron ako sa kasalukuyan kong buhay.

Isang na-realize ko kaka-stalk sa profile ng iba ay totoong ang physical beauty ay nawawala o kumukupas through the years. May isa akong hinahangaang beauty queen at medyo nagulat ako na very ordinary na syang tignan ngayon. Hindi na nya panahon. Ang maganda lang sa nangyari, hindi lang magandang mukha ang meron sya kundi natural na talino at diskarte. Tumandang may pinagkatandaan, kumbaga.

Meron din akong na-stalk na hiyang-hiyang mag-post ng childhood photos nya pero minu-minutong mag-post ng picture nya ngayon. Late bloomer sya. Gusto nyang iparating sa mundo na “the ugly duckling turned out to be a beautiful swan.” Kung saan sya proud, okay lang. Buhay nya yun.

But it also makes me think that 10 year from now, mawawala din ang physical beauty na yan. Pansamantala lang yan. Natutuyo din. Kaya ang payo ko sa mga nakikipag-boyfriend o girlfriend sa ngayon ay humanap kayo ng makakasundo nyo sa ugali at pananaw sa buhay. Ang ganda o gwapo ng mukha, kumukupas yan. Baka kaso matanso kapag pumangit na ang partner ninyo ay masama pa ang ugali.