Buhay o Pera?

Reference: http://pinoypicks.com/hospital-refused-to-admit-a-pregnant-woman-baby-dies-during-labor/

Namatay ang isang sanggol dahil hindi hinayaang ma-admit ng doktora ang ginang na nagle-labor dahil PhP 6,000 lang ang dalang cash ng mag-asawa. Aabutin daw ng PhP5,000 ang magagastos sa laboratory at kailangan daw na PhP20,000 ang hawak nilang pera bago sila ma-admit.

Base sa post ni Andrew Pelayo, November 2015 pa lang ay sa UST Hospital na nagpapa-check up ang misis nya. Logical lang na doon sila pupunta in case may maramdaman ang misis nya. Sinabing mula UST Hospital ay nagpunta pa sila ng Jose Reyes pero pinili nilang bumalik sa UST dahil sa kakulangan ng pasilidad gaya ng incubator. Nasa sa isip ko tuloy na baka pre-mature labor ang nangyari kung kaya’t emergency situation talaga ito. And take note na kapag emergency situation, aburido na ang tao. Maaaring wala syang cash on hand pero magagawan nya ng paraan kinabukasan.

Bakit sila bumalik sa UST Hospital? Mas malapit dun eh. Nasa isip siguro ng mag-asawa na ia-admit na si misis kasi ginawa naman nila ang sinabi na lumipat ng ospital. Mula UST Hospital hanggang East Avenue Medical Center, aabutin sila ng +/- 30 minutos. Buhay ang sinisikap nating sagipin dito—buhay ng ina at ng sanggol.

Sa mga elitistang hindi makaunawa at sinisisi pa ang mag-asawa sa nangyari, harinawang palagi kayong may pera para hindi ninyo maranasan ang dinaranas ng mga taong salat sa pinansyal na aspeto ng buhay. Kung si misis ay wala naman sa emergency situation at feel nya lang manganak sa UST Hospital, dun kayo maasar kasi meron namang mas abot-kayang ospital para sya dun manganak. Pero emergency situation ang nangyari at palagay ko naman, wag na ang pagiging doktora o doktor, bilang tao man lang—may moral responsibility tayo sa kapwa. Sana nagpasensya kayo ng konti sa abala ng mag-asawa. Kung ganun ang nangyari, hindi sana panlalait sa social media ang daranasin ng doktora nyo at ng ospital.

Maging mapagkalinga po tayo sa kapwa. Maging maunawain po tayo sa mga taong nangangailangan. Hindi natin alam ang buhay, baka balang-araw, tayo rin ang mangailangan ng awa at pag-intindi.

PS: More power to East Avenue Medical Center!