No To Paputok!

With all due respect sa taong nakadisgrasya ng dalawang glass window namin sa second floor ng bahay dahil sa kwitis, ikakampanya ko ang pagbabawal ng pagbebenta at pamimili ng mga paputok para sa mga kadahilanang:

  1. Pasikat- maraming tao ang pasikat magpapaputok. Buti sana kung sariling daliri nila ang mapeperwisyo. Kaso, may mga incidents na dahil sa kapapasikat, naibato sa taong dumaraan at yun ang na-injure nila. Kainis di ba!
  2. Walang skill- may taong responsable naman sa pagpapaputok pero hindi skilled enough para magpaputok. Gaya nyang nakaperwisyo ng glass windows namin. He might have been responsible enough pero dahil hindi nya skill ang pagpapaputok, muntik pa nyang masunog ang bahay namin! Buti na nga lang at walang napinsala sa mga bubog ng bintana.
  3. Crowded/Masikip/Walang open space- kung di ba naman di nag-iisip, magpapaputok ka sa crowded place? Paano kung sa bahay tumama at magkasunog eh di isang buong barangay ang nasunog mo!

DOH, PNP, barangay—please lang! Please lang puspusin nyo na ang kampanya sa firecrackers ban starting this month! Para din po ito sa ating lahat.