Social Climbing People

Duh!
Kashe ganon!
Mga taong nagiging “w” ang “r.”
Starbucks
Havaianas
Ipanema
Mga taong pilit nagpapaka-Kris Aquino sa pagsasalita.
Ano sila? Two words: SOCIAL CLIMBER

Lahat naman ng tao naroroon ang pagmamalaki pag may napupuntahang magandang lugar. Say, Boracay, Puerto Galera, Baguio…etc. Nakakairita lang pag yung tao na yun ay may feeling na siya lang ang nakapunta dun. Para bang LSS (last song syndrome) na yung screensaver, wallpaper ng cellphone at computer ay yung pictures niya sa napuntahan nya. Isama mo pa na pati profile picture sa Facebook, yung napuntahan nya. Mas nakakairita pag isang linggong iyon ang topic nya.

I go to Starbucks para lang maiba naman. Nakakasawa ng magtimpla ng sarili kong kape. Hindi naman ako masyadong naiirita sa mga social climber na naroon. Siyempre, nag-e-enjoy lang sila. Wag lang silang masyadong mapapel at pwede ba, umorder naman sila ng iba pa bukod sa kapeng tinitipid inumin.

Ang alam ko pag may speech defect ka, pwede kang pumunta sa isang speech therapist so I don’t get it bakit may mga taong ginagawang “w” ang “r.” Buti nga si Iza Calzado nawala ang speech defect nya na yun. Sino kaya therapist nya? Okay, fine, may ibang tao na talagang twisted ang dila. I am particular naman dun sa mga taong sinasadyang gawing “w” ang “r” as if cute sila. Idagdag pa dyan ang pa-Kris Aquino na mga office girls and office boys na if I know, 150 pesos lang ang laman ng wallet. Ay, bad ko! Point ko lang, kung magpapaka-social climber ka, magdala ka naman kahit isang libong piso sa wallet mo.

Masaya na ako sa Islander. Banana peel nga ang tsinelas kong pambahay eh. Yung iba kala mo bagay sa paa nila ang Ipanema at Havaianas. Okay lang isuot eh, wag lang yung pa-obvious na tinataas-taas pa ang paa para ipakita ang tatak ng tsinelas. Mapigtas sana!

Ito ang pinaka, yung lume-level o dumidikit sa mga totoong sosyal para naman maambunan ng konting kasusyalan. Mga kiss ass at mga aliping sagigilid sa mga kilalang tao sa lipunan na okay lang sa kanilang maging second class citizen sila sa mga ito, anyway pag nakita nga namang kasa-kasama mo sila ang impression ng tao ay true blue sosyal ka din. Isama mo pa dyan ang mga nagpupunta sa mga tennis club, badminton club para makasalamuha ng true blue sosyal.

Bakit ba nakakainis ang mga social climber?
1. feeling rich hindi naman
2. feeling cool hindi naman
3. feeling loaded, freeloader naman

Lesson learned: Umasta ng ayon sa kabuhayan. Wag mag-pretend na mayaman kung poor ka naman!