Calling DSWD

Everytime nakakakita ako ng malilit na batang hubo’t hubad habang ang mga nanay ay nasa isang gilid ng kalsada at nagsusugal lang, di ko mapigilang maawa sa mga munting batang yun. Naisip ko lang, di ba pwedeng panghimasukan ng barangay yun o ng DSWD para naman maisaayos ang buhay ng mga batang pinababayaan lang ng magulang?

Para kasing sobrang panghahamak sa karapatang pangbata na pinabayaan mo na ngang maglarong mag-isa kasehodang delikado ang kalsada, di mo pa pinakain sa oras at para makatipid ka sa labahin, hindi mo na dinamitan. Naaawa talaga ako. Kung pwede nga lang kupkupin lahat ng batang yun.

Sana makita ng DSWD sa kanilang paglilibot ang nakakalungkot na scenario na ito.