Who’s That Girl?

Kung ikaw ay namatayan ng asawa at may isang babaeng iiyak sa eulogy ng asawa mo, ano ang una mong iisipin?
“Kabit ba sya ng asawa ko? Who’s that girl?”

Cute ang pelikulang ito at tamang-tama lang kay Anne Curtis ang role ng isang babaeng sobrang in-love sa character ni Luis Manzano. Medyo alangan nga lang si Candy Pangilinan na maging sidekick/bestfriend ng bidang si Elizabeth (Anne) dahil sa obvious na malaking age difference pero pasado na rin dahil kwelang-kwela si Candy dito. Marunong tumayming si Anne at Luis sa mga eksena na nakakatawa. Kay Anne, nakikita ko ang isang Reese Witherspoon samantalang nakikita ko naman si Edu Manzano sa anak nyang si Luis. Hindi na dapat kwestyunin ang acting ni Eugene Domingo at sa totoo lang, mas nakakaaliw sya dito kaysa sa Gunaw episode ng My Valentine Girls. Nakaka-miss ang pagdadrama ni Dina Bonnevie at kung mag-comedy man sya, sana pang-American Adobo man lang ang role nya. Naiiklian ako sa exposure ni Dina dito at parang idinagdag lang sya sa cast. Sabagay, pelikula ito ni Luis at ni Anne.:)