Mga Brand Ng Inyong Kabataan

1. Prell Shampoo- Can you still remember this shampoo? Green shampoo ito na naka-pack sa clear container. Kalaban ito ng Palmolive shampoo dati. Mabango naman kaso di nagtagal sa market.
2. Timothy Shampoo- Model nito ang babaeng white ang buhok. Sabi nila, nung i-try daw nila ang Timothy, naging white din ang buhok nila. Hehehe.
3. Kao Feather Shampoo- Was it Dina Bonnevie who endorsed this product? Remember the jingle, Kao Feather the mildest shampoo ever?
4. Dimension Shampoo- Sino di makakalimot sa Dimension versus Pantene logo war? Hehehe. Baligtarin mo ang logo ng Pantene, yun ang logo ng Dimension. Magkaamoy pati. Kung si Nikki Prieto (now Nikki Teodoro) ang first commercial model dito sa Pinas ng Pantene, I think it was Mayumi Cabrera who endorsed Dimension. Labanan ng magaganda yan!
5. Lifebuoy- Lulubog-lilitaw ang family soap na to. Orange ang trademark nyang kulay. Masakit sa balat ko nung bata ako kaya ayokong gamitin. Hehehe.
6. Magico- Family soap na puti. Mild lang ng konti sa Perla pero Perla pa rin ang dating. Gustong-gustong ipampaligo ng pinsan ko at namumuti daw sya. Namumuti dahil dry ang balat. Hindi pambata ang sabon na yun.
7. Wonder Boy- Bilib ako sa Chippy dahil na-sustain nya through the decades ang marketability nya. Ang Wonder Boy, pagkain ng mga batang masa. Asan na kaya yun? I miss the taste!
8. Kiddie Kurls- Pantapat sa Chiz Curls (spelling?) ng mga batang masa. Paboritong bilhin ng tatay ko sa amin pag bumabagyo. Isang malaking supot para enjoy kaming kumain kahit baha.
9.Haba-Haba- Haba daw sumulat at pantapat ng masa sa sosyaling Kilometrico Ballpen. Ideal ang Haba-haba sa mga nagtitipid gaya ko.
10. Tretorn- Sosyal ka pag naka-Tretorn ka! May kaklase ako nung grade school na sandamakmak ang Tretorn. May time pa na nabasa sa ulan kaya napilitan syang mag-tsinelas pauwi. Ang Tretorn shoes nya, ayun, inamag lang sa classroom dahil ayaw iuwi. Anyways, madami naman daw syang shoes! Rich kid!
11. K-Swiss at Kaypee- Pag sosyal ka, K-Swiss, pag masa ka, Kaypee shoes. Nagkaroon ako ng Kaypee shoes, pink. Agad bumuka nung mabasa ng ulan. Mabuti naman at may sapatero laging dumaraan para i-repair ang sapatos ko.
12. Mighty Kid- Hats off ako sa tibay ng sapatos na to. 1985, nakatanggap ako ng aguinaldo na tatlong daang piso. Ang halaga ng Mighty Kid na nabili ko ay 250 pesos. May sukli pa akong pambili ng doughnut.