Kasal o Sakal?

Bata pa ako, I was sure that I wanted to be a wife and a mother. Nauna ko yung pinangarap kesa pangarapin ng isang batang babae ang maging isang nurse o doktor. Alam ko ngayon, di ako motherly in so many ways or perhaps, hindi lang ako ang traditional mom pero sa isip ko, pinakamasayang araw ko ay ang maging wife and mother. Siguro nga, in relation to my previous posts, iyon ang reason why I admire motherly figures like Pia Magalona, Coney Reyes and even my own mother!

Ano ba ang tamang edad sa pag-aasawa ng isang babae? Sa akin, 25 years old is fine. By today’s standard, bata pa yun dahil sa edad na yan pa lang nagsisimulang maging stable sa work ang isang babae. Kung dumating ang tamang lalaki sa akin noong 25 years old ako at mabait naman sya, maayos, maalaga at masikap sa buhay, buong puso kong tatanggapin ang alok na yon. Siyanga pala, dumating din ako sa puntong ako na mismo ang nagtanong sa boyfriend ko that time kung ano ba ang plano namin sa pagpapakasal. Hindi nya ako sinagot.

Magkaiba ang panuntunan ng babae at lalaki sa kasal pero isa lang ang dulo nyan: pag mahal ka ng tao, hindi maaaring hindi ka ihawla nyan sa isang commitment. Panigurado ba. Kaya nga uso ang engagement ring, engagement bracelet at kung ano pang anik-anik. Pag ang lalaki ay gusto ka lang i-commit sa kanya through living in, at alam nyang ang nasa puso mo ay pagpapakasal, get out of the relationship. Maaaring mahal ka nya pero hindi ikaw ang babaeng gusto nyang pakasalan. Don’t give me that bullshit na liberated kayo. Heck, kahit ang pinakaliberal na taong alam na natin like Britney Spears, nagpapakasal pa nga rin. Si David Beckham nga na pwedeng magpalit ng girlfriend as often as he wants ay piniling maging asawa ni Victoria. My point is, pag gusto ka, ikakadena ka sa kasal.

Tama rin ang desisyon ni Pia Guanio to find a new love dahil kung totoo ang balita na si Vic Sotto ang ayaw magpakasal, it’s just right for Pia to find that commitment from someone else.

Tama ang desisyon ni Camille Pratts to get married pagkatapos mabuntis ng boyfriend nya dahil mabuti naman itong asawa at ama.

Nakakatuwa ring makabalita ng mga kinakasal ulit pagkatapos di maging successful ang kanilang unang kasal. Ikakasal ang classmate ko ng highschool. Second marriage nya ito at sana, maging maayos na ang married life nya this time.

Ako rin ang tipo na hindi bitter-bitteran pag may ex akong kinakasal. Para lang kasi yang jigsaw puzzle. Hindi kami ang magkatugma kaya bakit ipipilit pa? Hindi lang ex-bf ang sinasabi ko, ha? Mga ex-suitor, ex-crush, ex-MU, ex-muntik-ng-maging-bf. It amazes me na sa dinami-dami ng lalaki sa mundo eh sa asawa ko ako nagpakasal. Destiny ang tawag dun.

Nakakainis ang mga sobrang bilib sa sarili na babae, usually mga 23-26 years old, na very proud sa pagre-reject ng marriage proposal ng boyfriend nila. Girl, pag 35 ka na at kulubot, baka kahit sino na lang eh tanggapin mo! Wag kang sobrang proud at baka ipagpalit ka sa iba nyan, iiyak-iyak ka!

2 thoughts on “Kasal o Sakal?

    • Korak!
      Girl, seven months naming pinag-ipunan ang kasal namin. Nakaka-excite lang yung ikaw mismo ang naghahanap ng murang raw materials for the wedding, sino ang photographer, saan ang prenup photos and everything!

      Like

Comments are closed.