To Kris and James

May nadaanan akong nagra-rally sa MRT noong Lunes or Martes ng umaga. Panawagan nila na huwag magtaas ng singil ang MRT. Naisip kong baka applicable din yun sa uncouple na sila James at Kris.

Ewan ko ba. Bothered lang ako sa nababasa ko na Baby James is starting to ask where his papa is. Para bang ang walang muwang na bata ay naiipit sa issue ng parents nya.

Pwede kayang mag-usap muna sila Kris at James bago sila tuluyang maghiwalay? Baka naman wrong timing lang ang alitan nila at napalaki ng husto. Baka naman pwede pang ayusin pa.

2005 ng dayuhin ni Kris ang Escalante para i-meet up ang angkan ni James. Mala-Notting Hill nga ang nangyari at ako man ang bisitahin ng anak ng dating presidente at bayani, mai-starstruck ako. While Kris found it amusing na halos 3 hours palakad-lakad sa plaza ang mother ni James nung malamang parating sila, IMO parang nakakaawa nga ang nangyari. Naiisip ko lang na sa sobrang tensed ni Mrs. Yap, hindi nya ma-contain ang emotions nya at kailangan pang maglakad-lakad ng tatlong oras sa plaza.

Hindi rin naman santo si James. May ibang girls din sya before he met Kris. At nabuntis pa nga ayon sa balita. Habang buntis si Kris, may Hope Centeno din naman sya. Pero hindi ba’t nangako sya kay Kris na aayusin nya lahat?

Kris and James, marami ng masasakit na nangyari sa relationship nyo. Mahirap ngang magpatawad at mag-move on na lang ng basta. Pero pag marinig nyo ba si Baby James na naghahanap ng isa sa inyo, hindi pa ba reason yun para maging civil, magkasundo at kung papalarin, magkabalikan?

I love Baby James and he’s just so adorable. I don’t know how James treats his other children and I hope he’ll find time to bond with them, too. (sa kids lang ha? hindi sa mother nila!)