Ang Paboritong Almusal ng mga Pinoy

1. Pandesal- Mamili ka ng palaman: peanut butter, margarine, ham and cheese o kahit yung coco jam.Sa Balanga, Mulawin pa rin ang leader sa paggawa ng pandesal. Hindi mo nga akalaing mapataob nya ang Julie’s Bakeshop kung pandesal lang ang pag-uusapan. Malaman, malambot, mainit—hindi gaya ng pandesal sa iba na tuyot na nga, matigas pa!

2. Champorado- Masarap syang kainin pag malamig ang panahon, lalo na pag ber-month. Tuyo at champorado ang trip ng iba. Pag lagi kang on the go, pwede na yung oatmeal na hinaluan ng Delfi cocoa. Pero the best pa rin yung batirol na tsokolate o yung mga tsokolateng galing Bohol.

3. Lugaw- pagkain daw ng mahihirap. Sa halagang 10 hanggang 15 pesos, may lugaw ka nang mabibili. Meron din namang lugaw sa restaurant na nagkakahalaga ng 50 to 80 pesos. Gaya ng champorado, mabigat sa tyan. Pwedeng-pwede kung di mo feel ang mid-morning snack.

4. Sinangag at Itlog- tapsilog, longsilog, hotsilog–bahala ka na basta may sinangag at itlog. Hindi ako mahilig sa mamantikang sinangag kaya iniiwasan kong kumain nun sa mga restaurant. Mas okay ang sinangag with little oil, margarine na lang ang gamitin for an added flavor.

5. Kape lang- may taong hindi sanay kumain sa umaga pero kape ang hinahanap. Sa imported, okay ang Taster’s Choice. Sa local naman, Cafe Puro. Nagtataka nga ako bakit hindi makaabante ang Cafe Puro sa isang kilalang coffee brand eh samantalang mas okay naman ang lasa nito. Iba talaga pag nakagisnan na ang brand.