SBMA/Gapo Restaurants

http://kaasikid.blogspot.com/2010/07/subicgapo-food-trip.html

san ba ok kumain sa subic or gapo? kung me kasama kang local ok rin para madaling hanapin or be adventurous explore the place.

1) Wimpy’s – fast food to. maraming branch sa gapo meron din sa subic malapit sa entrance. try the cheeseburger.
Iris says: Try mo yung parang chicken lauriat nila dun. Mura ang food dun tapos masarap. Favorite ko yung Wimpy’s sa may Magsaysay. Then yung nasa loob ng SBMA. Favorite spot ko yung sa may kaloob-looban para walang makakita sa lakas ng kain ko.

2) Meat Plus – sa subic to. try nyo ung steak nila. ok din ung ambience.
Iris says: Pang-sosyal ang Meatplus. Hindi lahat afford kumain dun. Nung kumain kami dun, nalimutan pa yung isang order namin. Muntik na naming layasan.

3) Coffee Shop – medyo malayo to sa subic. papuntang zambales na. try the tacos.
Iris: Ah…dyan ako unang dinala ng mga IE. Hindi ako gaanong impressed sa menu nila.

4) Rico’s – located sa residential part ng gapo. me mga lutong bahay. try silog meals.
Iris: Saan yan?????
5) Sam’s Pizza – located sa gapo along magsaysay. me live band. of course, try their pizza.
Iris: Hmmm.,…di ko matandaan sino ang kasama ko nung kumain ako dito.
6) Extremely Espresso – located inside subic. try their big pizza saka coffee.
Iris says: Ah, okay dito. Very cozy. Meron pa ba nito? Di ko to napansin nung nag-SBMA kami ng friends ko.