Working Girls, The Movie

I was a young girl when the original Working Girls was shown. Hindi pa uso ang girl power nun! Sa original na Working Girls, pinakita ang glamour ng pagtatrabaho sa Makati. Ganun naman kasi dati ang impression, basta’t sa Makati ka nagtatrabaho, sosyal ka! (Ngayon, meron ng Ortigas at Taguig at normal na lang na magtrabaho ka sa mga sosyaling lugar na ito.)

Bakit ko nasabing di pa uso ang girl power nung ipalabas ang pelikulang Working Girls? Kasi, ang mga babae nung panahon na yun ay pinaghihinto sa kanilang career ng kanilang asawa dahil kaya naman ng lalaking buhayin ang pamilya. How I wish ganyan din ang set up ngayon,no! Ngayon, double income na nga kayo pero parang andami pa ring bayarin at gastusin!

Iba ang inaasahan ko sa Working Girls na pinagbibidahan nila Ruffa Gutierrez, Eula Valdez, Eugene Domingo, Bianca King, Cristine Reyes at Jennylyn Mercado. Inaasahan ko ang mas malaman na kwento tungkol sa mga adventures at misadventures ng mga working women. Isa-isahin natin ang roles nila at kung ano ang relevance nila sa pelikula.

Ruffa Gutierrez- ano ba ang work nya sa movie? Asawa sya ng isang mayamang matandang namatay na nag-iwan sa kanya ng naluluging negosyo at limang milyong piso na tadtad ng bayarin at tax. Her husband also left her a bitchy daughter who wouldn’t stop in making her life miserable. Bukod sa pa-party-party at minsanang meeting sa kanyang corporate lawyer, wala namang substance ang pagiging CEO nya. I can’t remember of a scene na pinakitang CEO nga sya. If there will be a part 2, sana mag-focus ang story sa corporate life nya at hindi puro social life with Eula Valdes and Carmi Martin who played her socialite friends in the movie.

Eula Valdes- She’s STILL hot at forty-something! No wonder, Rocky Salumbides is head over heals in love with her. She’s my favorite characted in the film. Feeling ko, derived from Dr. Vicki Belo ang role nya.

Eugene Domingo- Sige na nga, isama na ang mga self-employed sa pelikulang ito. Her chemistry with Ricky Davao na gaya nyang street smart is good. In fact, I wish hindi na sila magkabalikan ni Antonio Aquitanias sa movie. Antonio played as her womanizing and lazy husband. I love Eugene’s role because it’s so real—mga babaeng nagsisikap para sa pamilya; her kids go to school at Ateneo! Sosyal!

Christine Reyes- The promo girl! Sana binigyan ng konting substance ang role nya. Kainis kasi sya dito at ang wish mo lang eh i-dump din sya ng lalaki gaya ng ginawa nya sa role ni Carlo Aquino.

Jennylyn Mercado- Pwedeng ibigay sa lesser star ang papel nya–that is, kung hindi naman mag-e-evolve ang kwento. Sana pinakita ang sacrifices ng mga single moms. Sana kung may sequel, ipakita na single moms can still find their Mr. Right.

Bianca King- Girl, bakit parang lagi kang galit? Hehehe…Is it just the role or what? Or nasanay lang ako sa Bawana role mo? Bianca should loosen a little; irritating minsan ang matapang na dating ng personality nya. Maybe the role calls for it.

Sa sequel, sana magkaroon ng interaction ang poor working girls na sila Eugene, Jennylyn at Cristine at ang sosyal na working girls na sila Eula at Ruffa. And please include Ms. Carmi Martin, ha! Carmi never changed—at forty-something, she’s still very attractive!