Usapang Renta

Umagang-umaga kanina, napasugod ang landlady namin sa apartment para kausapin ang nakatira dun sa unang pinto. Matagal ng bulong-bulungan sa compound na paaalisin na ng mag-ari ang nangungupahan sa unang pinto. Hindi kasi regular at sapat ang kita ng padre de pamilya para sa pangagailangan nilang lahat. Mekaniko ang lalaki at plain housewife naman ang babae. May 2 anak na lalaki; isang college student at isang grade school.

Hindi kasundo ng mga kapwa-tenants nya ang nakatira sa unang pinto. May kakaibang ugali na kinaiinisan nila dito. May isang pangyayaring nagtatatalak sya sa mga batang naglalaro dito kasama ang anak kong babae pero pinalampas ko yun dahil para sa akin, maliit na bagay lang naman yun.

Hindi kagandahan ang ugali nya. Hindi ko rin naman magawang ibaon sya sa kinalalagyan nya. Wala na nga syang pera, ibabaon ko pa sya at ipamumukhang pobre talaga sya? Hindi ko karakter ang ganun.

Tiyak na magiging usap-usapan na naman ang eksena nila kanina ng landlady. Paaalisin ba sya? Pagbibigyan ba? Malay ko. Sana nga ay magkaroon ng matinong souce of income ang pamilya nya. At sana, bumait na rin ang ugali nya para damayan naman sya ng mga kapitbahay nya.