Happy Bataan Day!
Ano, dinalaw ba kayo ni Gloria?
Ano affair ninyo dyan?
Sino sa inyo ang bumisita sa Mt. Samat? Hehehe…..
Paano ko naman malilimot ang Bataan Day. Bisperas to ng
kamatayan ng lola ko, the late Ma’am Baby.
Nung nariyan pa ako, hindi ko naman pansin ang Bataan Day
na yan. Taken for granted, kumbaga.
Pag tumira ka pala sa ibang lugar ng bansang Pilipinas na may
ibang kultura at rehiyonalismo, doon mo maa-appreciate na
ansarap mabuhay sa sariling bayan. Ilang lugar na ang
natirhan ko, pero bakit ba balik ako nang balik dyan?
Kahuli-hulihan noong Mahal na Araw. May ilan nga lang
pagbabago gaya ng pagka-demolish ng Balanga Arcade na
kinalakhan ko. Asan na kaya ang mga parlorista doon na
pinagpapagupitan ko? Ah, sana naman sa itatayong 5-storey
mall, maraming tao ang mabigyan ng trabaho. O, baka
interesado kayo sa serbisyo ko? Hahaha!
Ansarap umuwi sa Balanga kahit na sabihin ng iba na ang
pulitika dyan ay iba. Ang sarap mabuhay sa bayang
kinalakhan. Ang sarap tignan ng plaza kung saan kami
naglalarong magkapatid dati. Ang laki na ng pinagbago ng
Balanga. Maunlad na nga ito. Ah, sana mas marami pang
trabaho ang dumating dyan.
Ang Beanery ay halos ka-level na ng Starbucks.
Ang Michelle’s, ay pride ko yan pag sinasabi ng mga kaopisina
ko na ang sarap ng cake nila. Ang Tomas Del Rosario College,
bakit parang may mini-forest na?
Natatangay ako ng emosyon at kung ako ang tatanungin,
gustung-gusto ko na pong umuwi dyan at makasalamuha
ang mga kababayan ko.
Happy Bataan Day sa inyo!