Kris Aquino:Love Her or Hate Her?

Sino ba si Kris Aquino para sa ordinaryong mamamayang gaya ko? Dumating at umalis naman si Kris ay walang mababago sa buhay ko bilang Pilipino.

Kris is in the news again. Hiwalay na (muna daw) sila ng asawang basketbolistang si James Yap. Isang Mayen Austria ang tinuturong dahilan ng matinding away-selosan ng mag-asawa. Bago pa man nangyari ang insidente, nag-away na rin ang mag-asawa bago mag-Pasko.

Sige na nga, si Kris Aquino at sampu ng mga celebrities na pinapanuod ko sa TV at pelikula ay may entertainment value sa akin. Never mind kung wala silang economic value sa akin. Heck, nagtatrabaho ako ng otso hanggang dies oras kada araw kaya ibalato na ninyo ang showbiz sa akin sa freetime ko. Ano bang bago kay Kris ulit? Yung temporary o trial separation ba yan kay James? Sa totoo lang, si Kris ang tipo ng taong mamahalin mo at kamumuhian.

Kamumuhian mo sya sa kanyang pagiging taklesa. Masabi, masabi. Walang patumanggang magbigay ng komento o opinyon sa isang tao o bagay. Eh ang Pinoy pa mandin ay sensitive by nature, so madaming naiinis sa ugali nyang yun.

Kamumuhian mo sya dahil obvious namang spoiled brat sya at hindi nya na-outgrown yun. Wala yata sa bokabolaryo nya ang pagiging humble at simple just like her late parents. I don’t know if there’s some truth to this rumor that there was a time that she was very proud to purchase an expensive pair of jeans na “katas ng Luisita.” Okay, fine. Not everybody has hacienda and she should be aware that her very own Hacienda Luisita is plagued with controversy.

Kamumuhian mo sya sa kaaertehan nya. May maarteng cute at minsan naman, cute din ang kaartehan nya! Wag lang sosobrahan na parang nag-aastang 18 years old sya.

Mamahalin mo naman sya sa kanyang pagiging honest. Sya pa nga nangangalakan ng estado ng relasyon nya sa mga nakarelasyon nya, di ba? Hiwalay kung hiwalay! Keber ba kung ano sabihin ng tao. Nagka-STD, pinagtawanan, niyurakan—nagpakatotoo lang sya.

Mamahalin mo sya dahil para syang isang batang nangangailangan lagi ng masasandalan. At ang mga Pilipino ay natural na mapagkalinga. Hindi nyo ba napapansin na sa bawat pagkadapa ni Kris, nariyan ang mga taong umuunawa sa kanya? May mga kumokondena man sa kanya, marami at marami pa ring nagmamahal.

In my humble opinion, hindi na tamang ibalik pa kung ano ang ginawa ni Kris sa nakaraan. Noong panahong naging other woman sya ni Philip Salvador, madami ang nagalit. Pati pamilya nya, nagalit din. Very much married si Philip kay Sony Dabao at kahit dumating pa si Josh sa buhay nila Philip at Kris, hindi nakipag-divorce/annul si Sony. Ganti? Siguro. Noong panahong hiwalayan nya si Philip, madami pa rin ang nag-react. Bakit daw iniwan kung kelan baon sa utang si Philip? Ano ba talaga ang punto? Kinokondenang kabit si Kris pero hindi pwedeng layasan ang naghihirap na si Philip? Dalawang magkaibang argumento yun.

Mas malalang kontrobersya ang kay Joey Marquez at ang simpatya ng tao ay na kay Alma Moreno. Naging sila, naghiwalay, nagsumbatan sa TV at umamin pang may STD! Pero gaya ng nauna, pinatawad ng sambayanan si Kris.

Ngayong sya naman ang nasa posisyon nila Sony at Alma, kinokondena sya ng mga detractors nya komo “gawain” din naman daw nya yun dati. May ganun? So pag ang magnanakaw pala na nagbagong-buhay, hindi na pwedeng mag-report sa pulis pag sya naman ang nanakawan? Pag ang babaeng pa-abort nang pa-abort dati at ngayo’y handa na sa pagiging ina, di na pwedeng magpa-check up sa OB-Gyne?

Ang argumento ng karamihan sa galit kay Kris ay paulit-ulit at walang sustansya. Bakit hindi na lang sabihing, “Kris, ano pa mang estado o pagbabago mo ay walang kwenta sa amin. Maaalala pa rin namin na kabit ka nila Philip at Joey?”

Sabagay, si Kris Aquino ay Kris Aquino na. Love her or hate her, wag masyadong paapekto at hindi sya national issue. 😉