Salamat At Dumating Ka

Sa aking mister,

Salamat at dumating ka sa buhay ko. Sabihin pang kaya kong mabuhay ng mag-isa. Iba pa rin pala pag nandiyan ka.

Wala akong pakialam kung hindi ka man mayaman na gaya ng ibang nakilala ko. Hindi sa yaman nasusukat ang pagmamahal. Minahal mo ako ng higit at doon pa lang, nagpapasalamat na ako.

Tinanggap at inaalagaan mo ang aking anak. Nakaramdam sya ng pagmamahal mula sa iyo na di man lang nya naranasan mula sa tunay nyang ama. Darating ang panahon, mas kikilalanin ka nya kesa tunay nyang ama.

Maraming salamat at dumating ka sa buhay ko. Maraming salamat at ibinigay ka ng Diyos sa akin.

Nagmamahal,
Ang iyong misis