Ang Beer Na To o Ang Pag-ibig Mo

Reminiscing mode ako ngayon. Malamig kasi. Cold summer, maagang
tag-ulan. Naaalala ko ang coldest January. 2007 yun. Tumapat pa
sa break up namin ng boyfriend of almost 7 years ko. Ang ginaw
nun, hinahanap ko sya. Hindi sya mahilig mangyakap, pero yung
presence nya, yun ang hinahanap ko nun. Kaso, wala na sya. He gave
up our relationship.

Umaga ng January yun. Papunta ako ng kusina sa apartment na sana’y
magiging love nest namin kung natuloy lang ang pangarap kong kasal
noong 2007. Narinig ko ang kantang ito na may lyrics na “nais kong
magpakalasing dahil wala ka na….” Shet! Tinamaan ako. Hindi ako
mahilig sa kanta. Lalong hindi sa banda. Eraserheads lang ang bandang
kinabaliwan ko. Pero panahon yun ng teenage years ko, reasonable.
Isang patak na pigil na luha ang dumaloy sa mata ko. Naisip ko kung
naiisip din ba nya ako. Naisip ko na nalalamigan din ba sya dahil
yun ang coldest January ever recorded ng PAGASA.

Pagpasok ko ng opisina, nagsimula akong magtrabaho. Pero kating-kati
ang daliri kong malaman ang lyrics ng kantang narinig ko. Beer nga daw
by Itchyworms. Leche kako. Kung kelan ako tumanda saka ako mag-e-emote
na parang 15 years old.

Lahat ng relasyon ko, pinakaalagaan ko. Yung una, almost six years kami.
Maraming problema, walang pagbabago. Bago ako sumama sa kanya sa
pagbulusok palubog, umalis ako sa relasyon. Ang pangalawa kong
pag-ibig ang talagang ininda ko ang paghihiwalay. Masakit. Sobrang
sakit. Dumating ako sa puntong pati larawan nya’y kinakausap ko.
Hanggang ngayong may sarili na akong buhay at masaya sa lalaking
nagdala sa akin sa dambana, hindi ko maintindihan bakit nagmahal ako
ng lalaking halos hindi ko alam kung pantay ba ang pagmamahal na binigay
sa akin.

Kung tatanungin ako kung mahal ko pa sya, malakas na HINDI NA ang
isasagot ko. Pero ganun yata. May mga awitin, panahon, pagkakataon
na di maiiwasang sasagi at sasagi sa isip mo ang mga taong naging
parte ng buhay mo. Napakaswerte nga ng lalaking yun dahil may
nagmahal sa kanya ng buong puso kung sino sya at di kung ano sya.

Ibuhos na nga ang beer. Tapos na ang malulungkot na araw ko sa
kantang ito. I survived the break up. Salamat naman.

6 thoughts on “Ang Beer Na To o Ang Pag-ibig Mo

  1. lam mu naiitindhan kita sana aq dn makatakas dn aq sa pag kakabilanggo q sa pag hihiwalay namin ng GF q.mahal q xa ng higit p sa buhay q ewan q b qng aq an me mali ohh xa..
    d q alam qng aq b an dahilan cgro nga aq dahil qng d aq bakit kami mag kakahiwalay db..
    ewan naun gulo ng icp q..nkipag hiwalay xa skin ng d malinaw an dahilan walang pag uusap ng personal sana mkatakas dn aq sa panahong ito sana mkya q laht ng ito..

    Like

    • Hi Ghelo,

      Alam mo naniniwala ako sa kasabihang “Kung di ukol, di bubukol.” Kahit ano’ng gawin nating effort kung talagang wala nang pag-asa, wala na talaga. Ang maitatabi na lang natin sa pagtanggap ay yung dignidad natin.

      Pag nagmahal ka talaga, lulunukin mo ang pride. Pero kung ang pride na gusto mong lunukin eh gusto pang yurakan, aba, ibang usapan na yun.

      Sana’y matanggap mo na ang break up ninyo. Pramis, may darating at darating na taong mas magmamahal sa iyo.

      =)

      Like

  2. yeah.. tama ka.. I once had a GF.. di ko pa rin malimutan..gang nag asawa nko.. naiisip ko pa rin na sya lang ang minahal ko ng ganun though I was the one who broke up w/ her becoz of her behaviour(I could say being unfaithful)sa kanya ndi daw… but its nice to realize na contented ako sa married life ko..more power to you Iris..

    Like

    • Naku, when God closes a door, He leaves an open window. Tama ba yung statement ko? Hehehe… With my ex, mabuti na lang na di sya nakatuluyan ko. Blessing in disguise talaga.

      More power din sa iyo, Alex!

      Like

      • yeah.. haha.. di ko rin alam un ah ..tama ba? window..sarado ang pinto.. para makapasok ka, me bukas na bintana.. eh di doon ka rin papasok haha.. kiddin!,,..newei.. stay happy Iris

        Like

Comments are closed.