Sundo Movie Review

Main Characters:
Robin Padilla- as Romano
Sunshine Dizon- as Louella

Supporting Characters:
Rhian Ramos – as Sabel
Hero Angeles
Mark Bautista
Glydel Mercado
Katrina Halili

Story:
Nabuksan ang 3rd eye ni Romano mula ng magising sya sa pagka-comatose. Isang sundalo si Romano na nabaril sa isang enkwentro. Kaibigan ng pamilya ni Romano ang pamilya ni Louella na nagdadalamhati pa sa pagkamatay ng amang may kanser. Sa kagustuhang tapusin ang alitan ng pamilya nila ni Romano dahil sa usaping pera, ipinasya nyang ibalik ang lupang pagmamay-ari ng pamilya ni Romano at nag-alok pa na sasamahan ang magkapatid na Sabel at Romano sa espesyalista sa mata upang mapatignan ang bulag na si Sabel.

Nagkaayos sila Romano, Sabel, Louella, karakter ni Hero, Mark at Glydel na sabay-sabay bababa ng Maynila. Nakisabay ang magtyahing Glydel at Hero kila Sabel pababa ng Maynila para makatipid ng pamasahe.

Isang struggling starlet ang naabutan nilang nag-iisa sa high-way, ang karakter ni Katrina. Isinakay nila ito at pito silang nagbyahe pababa ng Maynila.

Sa isang panaginip, nasaksihan ni Romano ang isang aksidente, isang premonisyon na lahat ng sakay ng van ay mamamatay. Agad nyang binalaan si Mark at nakaligtas sila sa tyak na kamatayan.

Limang kaluluwa o mga sundo ang nakita nya. Dito nagsimula ang palaisipan kung para kanino ang mga sundo.

Naunang namatay sa isang freak accident si Glydel. Ang kanyang asawa ang nakitang sundo ni Romano. Sinundan ito ng pagkakuryente ni Hero sa burol ng amain; ang kanyang bestfriend ang sundo niya. Nabulag naman at nasagasaan si Mark; ang kanyang lolo ang sundo nya. Ang ayaw maniwalang si Katrina ay natusta sa spa; ang kanyang namayapang kakambal ang sundo nya.

Tatlo na lang ang natirang buhay: si Louella, si Romano at si Sabel. Kanino ang natitirang isang sundo? Ang ina ni Romano at Sabel ang sundo kaya isa sa kanila ang mamamatay. Batang umiiyak naman ang sundo ni Louella at nalaman ang madilim na nakaraan ng doktora nang ipalaglag nito ang batang dinadala noong nag-aaral pa.

Sa katapusan ng pelikula, mapagtatantong ang nanay nila Romano at Sabel ang sundo ng huli dahil papatayin sya ni Louella. Si Sabel ang sundo ni Romano dahil mahuhulog sya sa building at si Romano ang sundo ng nakokonsyensyang si Louella.

Trivia:
1. Maaaring Quirino Hill o Quezon Hill ang nasa background ng bahay nila Romano. Nag-shooting sila sa Baguio City.
2. Kung 5 ang sundo at isa ang walang mukha, nangangahulugan na si Sabel ang walang mukha dahil buhay pa si Sabel ng makita ni Romano ang 6 na kaluluwa sa may tunnel.
3. Hindi nakita ni Romano ang pampitong sundo dahil sya mismo ang sundo ni Louella.
4. Kaaawan at kaiinisan si Louella. Kaaawaan dahil ramdam pa rin ang sakit na dinaranas sa pagkamatay ng ama at kaiinisan dahil may dark side din sya gaya ng pagpatay kay Sabel para lamang makaligtas sa “sundo.”

Ratings:
3 out of 5 stars
– magaling gumanap ang mga bida at supporting actors
– matino ang pagkakagawa ng pelikula
– kulang nga lamang sa elemento ng panggugulat kung ihahambing sa Sukob ni Kris Aquino at Claudine Baretto
– sulit naman ang bayad sa sinehan dahil hindi nakakaantok ang pelikula