Si Hayden at si Vicks Ulit?

Natawa naman ako sa entertainment news kahapon kung saan nakita raw magkasama sa America ang ex(?) – sweethearts na sila Hayden Kho at Vicki Belo. Nagkabalikan ba ang dalawa? Malamang!

Bakit ka naman sasama sa ex-bf mo sa isang bakasyon o kahit business trip man lang at makikitang magkasama kayo sa pasyalan? Sabi ng mga kaibigan ni Vicki, may pusong mapagpatawad daw si Vicki kaya hindi kataka-takang magkabalikan nga ang dalawa. Sa tingin ko, bukod sa “pusong mapagpatawad,” andun pa rin ang pagmamahal ng mabait na doktora sa gwapong doktor. Kung ginago ka na ng husto, nakipag-affair sa iba sa kung sino-sino at napatawad mo pa, hindi lang pagiging mapagpatawad yun—PAGMAMAHAL talaga yun.

Na kay Vicki na kung ano ang kakahinatnan ng second chance nya kay Hayden. Ano kaya ang reaksyon ni Cristalle at Direk Quark sa developments na ito sa lovelife ng kanilang ina? Bakit may nagnanais pa ring magkabalikan si Atom Henares at Vicki Belo? Posible pa ba? Wala bang naging ibang pamilya si Atom?