Abby Cruz Sa Nakaraang Bb. Pilipinas Pageant

Marso 7, 2009 sa Araneta Coliseum ang gabi ng koronasyon para sa Bb. Pilipinas beauty pageant. Isa sa aking early favourite ay ang inamorata ni Paolo Bediones na si Abigail Lesley Cruz o mas kilala bilang Abby Cruz sa showbiz.

Sa aking palagay, advantage ni Abby ang pagiging 2nd runner up nya sa Bb. Pilipinas noong 2007. Sa tindig, sa porma, sa gandang Pilipina at sa galing sa pagsasalita, masasabing may advantage nga si Abby Cruz kumpara sa ibang kandidata.

Isang beses ko lang nakita si Abby Cruz ng personal. Abril 2007, sa Robinson’s Galleria, sa isang communication skills training ng Dale Carnegie ko siya nakasama. Bagamat mas palakaibigan at mas maganda si Nadia Lee Shien Shami, ang Bb. Pilipinas-World, mayroon din namang angking ganda at porma si Abby kung kaya’t isa ako sa mga umasa na sana ay manalo sya sa Bb. Pilipinas.

Hindi maikakailang naging mahigpit ang kompetisyon ng taong ito. Wala ka halos itulak-kabigin sa mga kandidata. Si Rich Asuncion ang bet ng fiance’ ko palibhasa parehong taga-Bohol.

Maraming nag-akala na mababahiran ng kontrobersya ang nagdaang Bb. Pilipinas. Inakala ng iba na ang presensya ni Paolo Bediones ay makakaapekto sa desisyon ng hurado. Ngunit hindi, natalo pa rin si Abby Cruz.

Para sa akin, walang puwang sa showbiz si Abby. Hindi sya isang aktres, mas mainam na mag-focus sya sa modelling. Ilang Binibini na ba ang sinubukan ang pelikula pero hindi naman sumikat? Exception to the rule na lang ang pinakamagandang hayop sa balat ng lupa na si Ms. Gloria Diaz. (Na ayaw ding pasalihin ang anak na si Isabelle sa Bb. Pilipinas kahit pasadong-pasado)

Kay Abby, ikaw pa rin ang bet kong manalo. Sayang at hindi ka nila nakita sa paraang nakita ko.

4 thoughts on “Abby Cruz Sa Nakaraang Bb. Pilipinas Pageant

  1. Abby was also in my top 7 list and she looked really amazing that night so it was a disappointment for me when she did not make it to the top 10. But she’s not depressed about it. I received a short Facebook note from her saying she trusts in god’s perfect will. All I can say is – AMEN!

    Like

  2. Abby is a very close friend of mine. i consider her as my best friend na nga. I felt bad when a friend of mine, who was at araneta to watch the pageant, texted me na hindi daw pumasok si Abby sa top 10. Bakit sila ate Maricar Balagtas, Maan Bayot, Ate Lara..pumasok at nanalo pa. I was confident that she’ll make it to the top 5. .sigh. But i agree that God has better plans for her.:) Something great will come her way..In God’s perfect time.

    Like

  3. To Nadia:

    We share the same sentiments. I felt that Abby was overlooked in that contest. Yes, I agree that maybe, something greater will come her way.

    Like

Comments are closed.