Silay

Very familiar sa akin ang term na “silay.” Nauna ko itong narinig kay Mary Ann, best friend ko noong grade school. Ten years old ako ng ma-realize kong may crush na pala ako. Andrew ang name ng first crush ko. Pag sinabi ni Mary Ann na, “sana masilayan naman natin crush natin,” sumasang-ayon naman ako. Masarap magka-crush, di ba? Mas masarap pa siguro kesa magka-boyfriend. Andun kasi ang thrill lalo na pag ina-assess mo sa sarili mo kung gusto ka ba nya o hindi.

Seven months na kami ni Miel. Bago kami mag-isang taon bilang mag-boyfriend, magpapakasal na kami. Wala naman ding halos nabago sa sitwasyon namin. Para pa rin kaming bago nang bago.

Kagabi, nasa labas sya ng apartment ko, nag-iihaw ng ulam para sa hapunan namin. Ako naman, nasa sala at nagbabasa. Paminsan-minsan, tinitignan ko sya at andun pa rin ang kilig pag nakikita ko sya. Lalo naman akong kinilig nung sya naman ang pasimpleng sumilip sa bintana para makita ako.

Eyes wide open. Nakangiting labi. Parang namamangha sa nakita nya. Sumilay nga ang lalaking sinilayan ko. Wala lang.Nakakakilig. Sana habambuhay kaming ganito. =)