Cheap Gimmick!

Ang cheap naman ng gimmick na kesyo kerida daw ang mother ni Aljur Abrenica. Ano nga bang movie meron siya ngayon? Narinig kong may pino-promote daw. Bakit kelangan pang ungkatin ang mga ganung family issues? Well, hindi naman daw kerida ang mother nya. Ang totoo, ang mother nya ang pinakasalan ng father nya after di mag-materialize ang pakikisama nito sa mga naunang babae sa buhay nya. May kapatid na mas matanda pa sa kanilang magkakapatid si Aljur. Kinikilabutan ako habang nagpapaliwanag sya. Parang ang cheap kasi ng issue! Pwede namang i-focus na lang sa love team nila ni Kris Bernal, bakit pati ganung ka-cheap-an eh pagpatulan? Sino ba may pakana nun? Hindi inuungkat ang family issues sa national TV!

Naalala ko tuloy ang batang si Charming na sinabi sa TV ang hinanakit nya sa kanyang ama. Sana di na lang din inungkat ang buhay ng bata para di na nagsalita.

Si Sunshine Cruz vs. Ched Cantu na sister-in-law nya kay Cesar Montano, muntik pang magdemandahan. Yun yung mga family issues na walang keber ang tagapanood kung mag-away ba sila o magkabati! Debah?

Sabagay, nung mag-iringan din ang magpinsan Geneva at Sheryl Cruz, vocal din ang una sa hinanakit nya sa huli. Pwede bang wag na lang magsabihan ng hinanakit on TV?

Lalong nakakatawang-nakakainis ang mga showbiz couple na naghihiwalay. Nagtatapunan ng putik sa harap ng publiko. Buti nga tumigil na si Ruffa at Ylmas, ano!

Basta, cheap para sa akin ang gamitin ang kahirapan at sad past para lang magkaroon ng simpatya ang tao sa kanila! Yun lang!