JJ Jr. Noon

Noong panahong hindi ka pa nadidiskubre ng telebisyon sa iyong talento sa pagkanta, isa ka lamang batang napakalikot na nakakainis talaga! Apat na taon ka lang noong matira ako sa PV Boarding Houses na pag-aari ng iyong mga magulang na sila Ate Cynthia at Kuya Dindo. Napakapilyo mong bata at lahat ng gamit ko ay pinakikialaman mo! Marinig ko lang ang yabag ng maliliit mong paa na papunta sa kwarto ko, nagkukunwari akong tulog para lamang di mo ako kulitin. Ikaw at ang Ate Pearl mo ang madalas mangulit sa aming mga boarders ninyo.

Kay bilis nga ng panahon. Ni hindi ko namalayang 17 anyos ka na. Nagulat ako nung mapanuod kita dati sa Pinoy Pop Superstar. Pamilyar ang mga matang malalamya na parang kay Kuya Dindo. Pamilyar ang pangalan at apelyidong sa inyo ko lang narinig. Napakalaki na nang iyong pinagbago. Hindi na ikaw ang batang malikot at makulit na minsang naging bahagi ng buhay kolehiyo ko. Isa ka nang celebrity in your own right. Bukod pa sa pisikal na pagbabago, malamang na kaydaming kababaihan ang nahuhumaling sa iyo.

Kay bilis nga ng panahon. Hindi nga natin masasabi ang bukas. Parang kaylan lang, isa kang batang walang pakiaalam at alam sa mundo. Kay laki na ng nabago sa buhay mo. Good luck at sana, hindi ka man naging mapalad sa Pinoy Idol, maging daan naman ito sa mas mabuting karera sa pagkanta.

2 thoughts on “JJ Jr. Noon

  1. Hi JJ! Iris ito, boarder ako ni Ate Cynthia nung 1994-1995. Maliit ka pa nun kaya I’m sure di mo na ko matatandaan.

    I’m also a friend of your Ate Cherry (Bataan).

    Si Davie Langit sa PDA, naging ka-compound ko din after kong umalis sa inyo. Nakakatuwa yung mga batang nakakasama ko nun, nakikita ko na sa TV ngayon.

    I am so proud of you at lalo na tiyak ang parents mo!

    Like

Comments are closed.