Chapter 12: The Haunted- Documents

“Pasensya ka na, naharang ako ng kakilala ko,” nagulat pa ako na nasa tabi ko na pala si Rupert.

Napatingin siya sa diyaryong binabasa ko at napakunot ang noo. Ibinaba ko ang diyaryo at tinignan siya.

“Don’t tell me you’re reading a newspaper from almost two decades ago?” tanong niya. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Mata sa mata, nagpapatigasan kung sino ang mauunang ibaling ang tingin. Sa bandang huli ay siya ang sumuko, tumingin siya sa malayo at parang nag-iisip. Matagal na panahon man ang lumipas, alam na alam ko kapag may bagay siyang ikinababahala. Sa isang banda ay naging pagkakataon ko din ito para sulyapan ang mukha niyang tila lalong pinaganda ng panahon mula sa ilong na parang nililok, mga kilay na akala mo ay pinasadya, mga matang nangungusap at labing parang handa laging humalik.

“Baka sakaling may mabasa akong interesting. May sarili kayong balita, di ba?” patay-malisya ko namang sagot.

“Sabagay, dati ka nang mahilig magbasa ng diyaryo. Pang-matanda, yan ang panay kong sinasabi sa ‘yo noon,” may ngiti na sa labi niya, nagbibiro.

“O, meron naman palang naligaw na balita dito. Nag-ribbon cutting si Mama Tam sa jewelry shop na binuksan sa bagong mall malapit sa SLU,” itinuro ko ang litrato ni Mama Tam. Saglit na tinignan ni Rupert at napangiti.

“January 1998 yan. Ambilis ng panahon. Ganun na din pala katagal,” mahina ang boses niya at parang ayaw ipadinig maski sa akin.

Tumunog ang cellphone ko. Maingay. Nagtinginan ang mga estudyante. Mabilisan kong kinuha sa bag ko ang cellphone at saka lumayo para sagutin ang tawag ni Jim. Nangungumusta lang siya at siguro ay nag-aalala. Sinabi kong nasa library ako pero hindi ko sinabing may kasama ako. Pagbalik ko sa table ay hawak ni Rupert ang isang botelya. Namula ako.

“I’m surprised na meron ka din neto,” sambit niya. Hinablot ko ang botelya at inilagay sa bag. Hindi ko siya sinagot. Nagmamadali akong isinoli ang diyaryo at saka walang lingon-lingon na lumabas ng library.

“Ano’ng problema mo?” pahabol na tanong ni Rupert.

“One hour na di ba? Pwede ko ng kuhanin ang TOR at diploma ko,” dire-diretso naman akong bumababa ng hagdan.

“May masama ba kung malaman kong nagte-take ka din ng gamot na yon?” tinumbok niya ang kinasira ng araw ko.

Natigilan ako. Hindi ko siya sinagot. Dahan-dahan naming binaba ang mataas na library building patungo sa Registrar’s Office.

“Ninong!” napagawi ang tingin namin sa direksyon ng nagsalita. Isang estudyante na hawig na hawig sa pinakamatalik na kaibigan ni Rupert.

“Oy, Ced!” ibinigay ni Rupert ang kamay niya at nagmano ang binata. Napatingin ito sa akin at ngumiti.

“Ced, hindi mo na maaalala ang Ninang mo? Sabagay, baby ka pa lang nung huling magkita kayo,” iminustra ni Rupert na pagmanuhin ko si Ced na siya naman niyang ginawa.

“Ninang?”

“Leona. Hindi mo na talaga ako matatandaan dahil baby ka pa nung umalis ako dito. Kumusta na si James at Trina?” namangha ako dahil hulmang-hulma ni James ang panganay niya.

“Nasa bahay po si Mommy. Si Daddy ang panay kasama ni Ninong para sa…”

“Ced, pang-merienda mo,” inabutan ni Rupert ng isang libong piso si Ced. Tuwang-tuwa naman ang binata. Kumuha din ako ng isang libo at ibinigay sa kanya.

“Thank you, Ninong, Ninang. Selfie po tayo?” napagitnaan namin siya at nagpaunlak ng selfie.

“Tell your dad that we will drop by your place one of these days,” kumaway si Rupert sa paalis na si Ced.

“Para akong nakakita ng clone,” pagbibiro ko. Natawa din si Rupert.

Sa Registrar’s Office, si Rupert na ang kumuha ng TOR at diploma ko. Napabuntung-hininga ako dahil sa loob ng mahabang panahon, ngayon ko lang nakita at nahawakan ang bunga ng pagsisikap ko noong nag-aaral pa lamang ako.

The Haunted: Chapter 11- Ano Kaya?

Bumalik ako sa college house para kumain at maligo. Nagmamadali akong gumayak dahil ayokong abutan ako ni Rupert. Hindi ko sigurado kung seryoso sya nang sabihin nyang sasamahan niya ako sa pagpunta sa SLU pero ayokong ipagwalang-bahala na tototohanin niya.

Nagmamadali akong bumaba ng hagdan. Hindi naman maingay ihakbang ang suot kong puting rubber shoes. Nagpaalam ako kay Dina na may lalakarin lang. Tumango lang siya at sinundan ako ng tingin habang nagmamadali akong nagtungo sa gate. Hindi ko pa halos nahahawakan ang pintuan bukasan ng gate ay naalala kong hindi nga pala ako nakasuot ng jacket. Pahangos akong bumalik sa bahay, nakita ko si Dina na nagtataka pero hindi nag-usisa.

Dinampot ko sa aparador ang puting jacket at isinuot. Dahil sa pagod, normal na hakbang na lang ang ginawa ko habang pababa ng hagdan.

“Ready to go?”

Binaling ko ang ulo ko sa direksyon ng boses. Si Rupert; nakatingin at nakangiti sa akin. Huminto ako sa paglakad at agad na nag-isip ng idadahilan.

“Let’s go?” inunahan niya ako ng tanong.

Nagpauna siya sa paglabas ng front door patungo sa nakaparadang puting Fortuner. Binuksan niya ang pinto at isinenyas na sumakay na ako. Kahit may agam-agam, sumakay na ako at sinara niya ang pinto. Umikot siya para sumakay naman sa driver’s seat. Dalawang beses siyang bumusina nang mahina kay Dina na noon ay nakaabang para magsara ng gate. Matipid naman na ngiti ang sinagot ni Dina.

“Traffic na pala dito ngayon, ano?” panimula ko.

“Yes, matagal na,” matipid naman niyang sagot sabay mabilis na sumulyap sa akin.

Tumingin ako sa paligid at inalala kung ano ba ang itsura nito halos dalawampung taon na ang nakakaraan. Pasulpot-sulpot ang mga ala-ala na kusang nagbabalik, mga ala-alang ayoko ng balikan pagkatapos ng graduation ko.

“May SM na ang Baguio,” pinutol ni Rupert ang paglilibot ng mata ko at paglalayag ng isipan ko. Tumingin ako sa direksyon na tinuro niya at nakita ang malaking istruktura na dating ginagawang paradahan lamang ng ilang provincial busses nung panahon namin.

“Para ngang wala ako sa Baguio, eh. Parang hindi ko nga kailangan ng jacket,”sabi ko.

“Yan nga sana ang itatanong ko eh. Bakit ka naka-jacket eh hindi naman kalamigan. Nasanay ka yata 20 years ago na malamig ang February,”nakangiti niyang tugon.

Saka ko napansin na wala siyang suot na jacket. Kung noon ay kinukubli niya ang payat niyang katawan sa pamamagitan ng pagsusuot ng jacket, ngayon ay tila may pagmamalaki siyang pinapakita ang fitness ng kanyang pangangatawan. Kabaligtaran naman sa akin na tinatago ko ang mga imperfections ko ngayon sa pamamagitan ng pagsusuot ng jacket.

Diniretso niya ang direksyon sa ospital ng SLU at saka doon ipinarada. Mas okey na daw ito kaysa suungin ang mas mahabang trapik kung iikot pa kami ng Bonifacio Street.

“Thank you. Punta na ako sa Registrar’s Office,” nagmamadali akong tinanggal ang seatbelt.

“Teka, teka. Sasamahan kita, di ba?”

“Huwag na, maaabala ka pa,” binuksan ko ang pinto ng kotse at bumaba. Nagsimula din akong maglakad papuntang Assumption Gate. Mabibilis ang hakbang ko palayo. Dineposito ko ang ID ko sa guard at nagsimulang bumaba sa matarik na hagdan.

Nasa kalahatian pa lang ako ng pagbaba ay napagod na ako. Napatigil ako sa spot kung saan sinulat ni Rupert sa bato ang mga pangalan namin noong 1st year college pa lang kami.

“Napagod ka agad?” nagulat pa ako sa boses ni Rupert. Hindi ko inaasahang susunod pa siya. Napatigil siya at napatingin sa batong may nakaukit ang pangalan namin. Malumot ang paligid ng bato liban sa dinaanan ng mga pangalan namin kaya kitang-kita ang pagkakaukit nito.

Walang imik-imik ay sabay naming binaba ang hagdan, marahan at nag-iingat na mahulog. Nadaanan namin ang kumpol na mga estudyante sa Otto Hahn. Naalala ko ang panahong doon ako naghahantay tuwing uwian para sabay kaming umuwi ni Rupert.

“Good morning, Sir Rupert!” ang bati ng dalawang estudyante.

Kumaway naman si Rupert.

“Sikat ka pala dito,” biro ko. Napangiti lang si Rupert.

“What brings you here, Rupert?” sabi ng boses na biglang sumulpot. Napatigil kami sa paglalakad. Si Sir Garcia pala, dating instructor ni Rupert noong college.

“Good morning, Sir. I’m just accompanying a friend,” sagot naman niya sabay akbay sa akin. Bumati din ako ng good morning kay Sir Garcia.

“Friend? More like an ex-girlfriend!” panunukso ni Sir Garcia, namula ako dahil hindi ko inaasahang naaalala niya ako.

Hindi nagsalita si Rupert pero ramdam ko ang tensyon niya. Sino nga naman ba ang magiging handang sagutin kung bakit kami nakitang magkasama.

“Anyway, Sir. I’ll catch up with you later. Sasamahan ko lang si Leona.”

Nalampasan namin ang Otto Hahn Building na tahimik at di nag-uusap. Napansin yata ni Rupert na medyo napahiya ako.

“Ganun lang naman si Sir Garcia di ba?” dumampi ang kamay nya sa balikat ko. Napaatras ako.

Sa Registrar’s Office, pangalawa ako sa pila. Isang student assistant ang kumausap sa akin. Natatawa na hindi makapaniwala ang ekspresyon ng mukha niya.

“Tama po ba, kukuha kayo ng TOR at diploma tapos year 1998 kaya graduate?” tila hindi pa din siya makapaniwala.

“May problema ba?” may pag-aalala sa tanong ko.

Hinawakan ni Rupert ang braso ko at inakay papunta sa loob ng Registrar’s Office.

“Bawal dito, di ba?” ang may pagtutol na sabi ko.

“Hindi tayo matatapos kapag sa labas kayo nag-usap,” binuksan ni Rupert ang pinto at pinaupo ako sa waiting area habang siya namang pasok sa isang cubicle at may kinausap. Tumayo ang matandang babae mula sa kanyang cubicle at sumilip sa direksyon ko. Paglabas ni Rupert ay nakangiti na at saka sinabing balikan namin ang mga dokumento pagkalipas ng isang oras.

“Saan naman tayo pupunta?” tanong ko na medyo may pag-aalinlangan pa.

“Gusto mong kumain?”

“Busog pa ako.”

“Sige sa library na lang?”

“Hintayin ko na lang dito.”

“Makakaabala ka sa iba saka hindi lahat napagbibigyan ng registrar. Remember, walk in lang ang ginawa natin.”

“So sige, magbasa na lang tayo sa library.”

Tinahak namin ang mataas na hagdan ng Charles Vath Library Building. Bumalik ang mga ala-ala ko kung saan kami madalas magtapo ni Rupert tuwing kinakailangan niyang gumamit ng library para sa engineering subjects niya.

“Naaalala mo yung Quirino Hill na madalas mong tanawin noon?” tanong niya.

Tumango ako,”Sa side ng Perfecto ‘yon tanaw na tanaw.”

“Gusto mong puntahan mamaya?”

“Hindi na,” sagot ko. Nawala ang ngiti sa labi ni Rupert.

“Pero dati, gustong-gusto mo yung puntahan, di ba?” paalala niya.

“May mga bagay na napaglilipasan ng panahon. Yung gusto natin noon, baka balewala na sa atin ngayon,” sagot ko.

“Pero nababaligtan din naman minsan. May mga ayaw tayong gawin noon na baka pwede na nating subukan ngayon,” pagkasabi niya ay nagkunwari akong di ko narinig. Dire-diretso ako sa magazine section para magbasa ng mga lumang babasahin at libangin ang sarili ko habang naghahantay sa oras. Si Rupert naman ay nakakita ng kakilala at doon sila nag-usap nang tahimik sa isang sulok. Paminsan-minsan ay pinagmamasdan ko siya at sa unang pagkakataon, sumagi sa isip ko na “ano kaya kung kami ang nagkatuluyan?”

Baldivia vs Baldivia

The recent interview of Julia Barretto obviously affected her father, Dennis Padilla. In a series of a now-deleted Instagram posts, Dennis refuted Julia’s insinuation about their financial situation after her parents separated. 

Dennis was a popular comedian in the early 90s. He used to play sidekick roles to Robin Padilla and even had the chance to get leading roles in television. He is the son of Dencio Padilla, a popular comedian during his prime. It was said that Dencio was against the relationship of Dennis and Marjorie because the former was already committed to a certain Monina at that time. There was no confirmation if Dennis and Monina were married. But one thing was sure, they have kids. Marjorie has a young daughter at that time from a previous relationship with Kier Legaspi, also an actor. 

Dennis became a Caloocan councilor before Marjorie won in 2007. It was in the same year when rumors about a trial separation surfaced. Both parties were mum about it at first. Then sometime in 2008, there was a malicious letter that circulated online about an alleged affair between a married councilor and her city mayor. It was said to come from Dennis Padilla. Good thing, social media was not yet at its peak then. Otherwise, it would have gone viral.

Around this time, the eldest child Julia was already 10 years old. Being on TV was nothing new to her as she started her shampoo commercial when she was younger. Her first TV project was Kokey. These years were silent years between Dennis and his former family until the time came when Julia was starting to build a name for herself. It was the netizens’ impression that Dennis only started to care for his former family when the kids were already grown-up and more stable. 

Of course, Dennis refuted this claim by telling his partial side of the story. But we have to take into consideration the timeline of the events that led to the children’s hurt— what happened after 2007? 

  1. Dennis was probably not able to provide while the kids were growing up because he was no longer that active in showbiz. Before the separation, Dennis and his then sister-in-law Gretchen had an issue when he confronted the latter about TV5’s decision of picking Willie Revillame over him. Gretchen’s common-law husband was the owner of TV5 and Dennis felt that she could have done things to put him in a better position in the network. Their falling out caused them to leave Gretchen’s house where they lived for free. 
  2. In fairness to Marjorie, she took roles to earn when they were still together. Her detractors were probably not aware of it because these were minor roles. 
  3. The kids were probably not close with their Baldivia (Dennis’ real last name) side because Dencio died when Julia was only a baby. I have no idea about Dennis’ mother; I can only assume that the kids never really had a chance to bond with their relatives because of some issues. 
  4. The idea of changing their family name from Baldivia to Barretto could be a result of something that the kids found out later. Were they aware that there was a first family before them? Sometimes, kids get disillusioned when their perceived perfect little family comes out as the opposite. 
  5. Marjorie is no saint but she has her kids who love her very much. On the other hand, none of Dennis’ other kids are there to support him. 

I actually wish this family to heal and forgive one another. I still call them a “family” because even when the parents were no longer together, the love and respect must still be there. Dennis should take a lesson from Jackie Forster who waited for years to finally be welcomed again by her sons Andre and Kobe. When Jackie realized that her aggressive style only made her sons more distant, she let them realize how much she loves them by giving them time to heal and love them from a distance. 

The Haunted: Chapter 10 Ex-Center of His Universe

“So, ano talaga ang ipinunta mo sa Baguio?” tanong ni Rupert.

“Panagbenga.”

Napangiti si Rupert, yung ngiti na parang hindi naniniwala sa sinasabi ko.

“Okay, so bale pinapasyal ninyo ni Jim ang kids ninyo?” follow-up question niya. Nakatingin sya ng taimtim sa akin na parang pulis na nag-uusisa sa kawatan.

“No, I came here alone,” hindi ako tumingin sa kanya kaya hindi ko alam ang naging ekspresyon niya.

“There must be trouble in paradise?” seryosong tanong niya.

“Wala naman…” maagap kong sagot habang naglalakad ng kaunti papunta sa front door.

“I wouldn’t ask more questions about your family. Anyway, what’s your plan for today?” nakapamewang niyang tanong.

“Kukunin ko siguro ang TOR ko at diploma sa school,” ang naiilang kong sagot.

Nahalata kong medyo nagulat siya.

“Are you sure? Nawala ba ang transcript of records at diploma mo?”

“Hindi ko pa talaga nakuha. Noong umuwi ako pagkatapos ng graduation, hindi na ako bumalik pa. It took me almost 20 years to finally have the courage to come back,” seryoso kong sagot.

Hinawakan niya ako sa kamay, hindi ko alam pero hindi ko binawi ang pagkakahawak niya.

“Leona, don’t tell me hindi ka nag-pursue ng career na gusto mo after college?” naroon ang concern sa boses niya.

Nagtama ang mga mata namin, binabasa ng bawat isa sa amin ang nilalaman ng puso at isipan. Binawi ko ang paningin ko sa mga mata niyang nangungusap, iniingatan kong buksan anuman ang damdaming nakatago sa akin. Takot? Hiya? Pagkabahala? O baka naman may natutulog pa kaming damdamin para sa isa’t-isa?

“Hindi naman ako nagtatrabaho sa isang sikat at malaking kumpanya. Hindi nila ako hiningan ng mga bagay na iyan. Pinakita ko lang ang school ID ko and that was it,” nahihiya kong sagot.

“Oh, hindi pala natuloy ang Jessica o Korina dream mo?” pagtutukoy niya sa mga idolo kong sila Jessica Soho at Korina Sanchez.

“That’s life. It has full of surprises. Para namang bago ka nang bago,” sagot ko.

Bumitiw siya sa pagkakahawak sa akin at humalukipkip.

“Ano’ng oras ka ba pupunta ng SLU? Samahan na kita,” alok niya.

“Pagkakain ko ng breakfast.”

“Ooops, sorry. Nagpa-deliver lang ako kanina. I wasn’t expecting any visitor.”

“What about your wife?” ganti kong tanong.

Napangiti siya, yung ngiti na hindi malaman kung maiinis o matutuwa sa tanong ko.

“I’m a damaged man, kahit si Abigail na napakabait ay hindi talaga tatagal sa akin,” napapailing niyang sagot.

May kurot ang pangalang binanggit niya sa akin. May kaunti din akong pagsisisi kung bakit ko pa natanong.

“May breakfast namang inihanda si Dina. I should go now,” pagpapaalam ko.

“I’ll be there in 30 minutes. Antayin mo ako. Sasamahan na kita,” sabi niya habang binubuksan ang front gate.

“Hindi ba magagalit ang boss mo kung ma-late ka sa trabaho?”

Napangiti na naman siya na alanganing natutuwa at alanganing nagtataka sa tanong ko. Lalong lumulutang ang angkin niyang kagwapuhan sa facial expression niya.

“Sasabihin ko na lang na may old friend akong nagbabakasyon at gusto naming sulitin ang panahon. Sa palagay mo, pwede na bang dahilan yan?”

Napangiti ako at napatango. Habang nilalakad ko ang pauwi sa college house ay hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nasaktan ako sa salitang “old friend.” Hinahanap-hanap ng pandinig ko ang mga matatamis na kataga o taguri niya sa akin noong mga panahong kami pa.

Princess.

Ms. Universe.

One of a kind.

Love of my life.

Hayan ang mga tawag niya sa akin dati. At ngayon ay isa na lamang akong old friend. Nalulungkot ba ako dahil hindi na ako ang center of his universe o sadyang bad news lang talaga ako kahit kanino? Nagsisikip ang dibdib ko sa nagsisimulang bugso ng mga damdamin. Dinukot ko ang bulsa ko at hinanap ang isang bagay na makakapagpakalma sa akin.